Measles cases sa CALABARZON, dumami pa

  Manila, Philippines – Nadagdagan pa ang bilang ng mga nabibiktima ng tigdas sa Region 4A o rehiyon ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (Calabarzon).

  Sa inilabas na quick count ng Department of Health (DOH)- Calabarzon, nabatid na mula Enero 1, hanggang alas-8:00 ng umaga nitong Huwebes, Pebrero 21, ay umakyat na sa 2,764 ang kabuuang bilang ng mga measles cases na naitala nila sa kanilang nasasakupan.

  Ang naturang bilang ay paglobo ng 436 kaso sa loob lamang ng apat na araw, matapos na makapagtala lamang ang DOH ng 2,328 kaso mula Enero 1 hanggang Pebrero 17.

  Nadagdagan rin naman ng 14 ang bilang ng mga binawian ng buhay dahil sa sakit, sa nakalipas na apat na arawa, dahil mula sa dating 55 na kaso lamang sa nabanggit na petsa, ay naging 69 na ito, o may case fatality ratio (CFR) na 2.5%.

Read more at https://remate.ph/2019/02/21/measles-cases-sa-calabarzon-dumami-pa/


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *