MERS-CoV patient na naka quarantine sa ating bansa, MERS-CoV free na

Thermal Scanner

Mers Cov free na ang foreigner na naka-quarantine sa ating bansa yan ang ibinalita ng Department of Health kamakailan.

Ligtas na mula sa Mers Cov ang Foreigner na pumasok sa ating bansa na nag positibo sa sakit. Agad itong na quarantine sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM)

Upang masigurado na hindi na nito maikakalat pa ang sakit.

Wala rin sa dalawang daang pasahero na nakasabay nito ang nag pakita ng sintomas ng mers cov.

Sumasailalim pa rin sa obserbasyon ang tatlumpu’t dalawang taong gulang na kaibigan ng foreigner kung saan sya nagkaroon ng close contact.

Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr

“We continue to heighten monitoring and surveillance and the conduct of quarantine measures in all airports, seaports and other ports of entry to ensure the quick reporting by hospitals of all patients who may show symptoms of MERS-CoV so that they may undergo isolation, contact tracing and treatment base don’t he directive of the President “Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr

Todo pa rin ang pag babantay ng Pilipinas sa posibleng pag pasok g Mers Cov sa Bansa.

Pinuri naman ng World Health Organization ang Pilipinas dahil sa maayos at sistematiko nitong pag babantay sa Mers Cov, dalawang kaso na ng mers cov ang naitala dahil sa pag pasok ng isang pinay Nurse mula Middle east at ang foreigner na kaka recover lang sa sakit.

 

Inaasahan din na ilalabas na ng research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang Foreigner ngayong linggo – Ulat ni Philip “ Dobol P “ Piccio

 

[youtube=http://youtu.be/n8tRZBPBBpQ]

 

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *