ADIK: Methamphetamine, pinaka-kilalang uri ng illegal na droga sa Bansang Pilipinas

Para sa ating lulong sa adiksyon ating tatalakayin ang iba’t ibang uri ng ipinagbabawal na gamot na nakakaapekto sa buhay ng mga nalululong sa illegal na droga. Ang illegal na droga ang isa sa pinaka mahirap talikuran at isa pinaka mahirap gamutin na uri ng adiksyon sa  mundo.  Ang nangunguna sa lahat ng  uri ng ipinag babawal na gamot na  pumeperwisyo sa buong pilipinas. Ang shabu ay sumira at patuloy na sumisira sa buhay, sa katinuan at sa kinabukasan ng milyong Pilipino.

 

Ang crystal meth , methamphetamine hydrocloride , poor mans cocaine o mas kilala bilang  Shabu ay

Maaaring oral o iniinom, sinisinghot at iniinject sa braso.  Ang isang kwarto na may usok ng shabu ay maaaring maka apekto sa sinumang maka amoy nito.  Ang  shabu katulad ng ibang illegal na droga ay masama sa katawan ng taoat  mayroon itong addicting compound na nagiging dahilan upang ma-hook ang isang tao dito at ang epekto ng pag sa-shabu ay unti-unting sumisira sa sistema at sa utak ng isang tao.

Pero saan nga ba nagsimula ang shabu ?

Ang shabu o crystal methampethamine ay hindi na bago sa buong mundo, noong world war 2  at ito ay ginagawa sa bansang japan noong world war 2 upang ipainom sa mga sundalo upang manatili itong gising lalo na ang mga suicide pilot sa mga misyon na kailangan nitong gawin at mga tank operators. Dahil ang isa sa mga tama ng shabu ay mapanatiling gising at may lakas ang isang tao kahit wala itong pahinga o kahit walang tulog man. Legal pa itong gamitin noong World War 2 at dahil dito naging laganap ang shabu hindi lamang sa Pilipinas kundi sa mga bansa sa South East Asia katulad ng Malaysia, Brunei , Thailand at Japan.

Noong mga panahon ng World War 2 at ito ay tinawag na flyers at tankers chocolate. Sa mga panahon ni Nazi leader Adolf Hitler, ayon sa addictionsearch.com  araw araw ay sinasaksakan ng shabu si Hitler gamit ang injection upang mapababa ang depresyon at fatigue nito. Maaari din umanong ang involuntary movement ng kamay ni hitler ay isang side effect ng shabu.

Pagkatapos ng World War 2 ang methampethamine ay naging laganap. ang illegal na pag gawa nito ay kumalat sa South East Asia. Dahil sa nakakagising ito ay ginagamit ng mga taong kinakailangan ng enerhiya lalo na sa trabaho at dahil sa kawalan ng tulog at ganang kumain na nagiging dahilan ng pag payat. Ang shabu ay naging laganap kahit  sa mga modelo at artista noong panahon ng kasikatan nito at simula noon ito ay hindi na tuluyang napuksa pa  ang illegal na droga na tinatawag na shabu hanggang sa mga oras na ito.

 

Sa Pilipinas ang shabu ang isa sa mga pinaka kilala at ginagamit ng mga adik na sa ipinag babawal na gamot. Mas mura ang shabu kumpara sa ibang mga uri ng illegal na gamot  at mas madali itong gawin at makuha. Sa pag bisita ng Unang Sigaw crew sa Provincial Jail ng Nueva Ecija dito namin mas lalo namin nakita ang perwisyong dulot ng shabu sa mga Novo Ecijano. Sa apat na raan at  pitumpu’t tatlong detainees ng Provincial Jail ng Nueva Ecija. Nasa dalawang daan dito ang shabu related cases o halos kalahati ng total na bilang ng lahat ng nakapiit dito ay dahil sa shabu at hindi lang yan babae  man o  lalake at kahit menor de edad huli sa Lalawigan ng Nueva Ecija dahil sa pag bebenta ng ipinag babawal na gamot  at yan ay nakumpirma  mismo sa Provincila Jail ng Nueva Ecija.

Kahit sa loob ng piitang Panlalawigan ng Nueva Ecija may mga nag pumilit na mag puslit ng mga  shabu na naka lagay sa mga chichirya at yosi  na agad nahuli at naipiit  sa loob ng selda. Sa ngayon ay wala nang nag pilit pang mag pasok ng illegal na droga sa loob ng Provincial Jail dahil na rin sa mahigpit na pag babantay sa mga pag bisita at mga kagamitang pumapasok sa loob ng piitan. Krimen, kamatayan, pagkabaliw at permanenteng damage yan ang epekto ng shabu. Kahit ganito man karami ang negatibong bagay na hatid nito ay bakit nga ba marami pa rin ang naaadik sa shabu?

Dahil sa akala ng mga taong magandang epekto nito dahil sa mas energetic, mas mabilis gumalaw, hindi inaantok at hindi napapagod ang isang high sa shabu. Ang tingin ng mga shabu adik sa kanilang adiksyon ay nakatutulong at napapaniwala nila ang kanilang sarili na ito ay ginagamit lamang nila sa oras na kinakailanga  at masosolusyunan pa dahil hindi sila adik sa shabu.

Ang katotohanan Novo ecijano, ito ang tama ng shabu, maganda nga ba? O nakakatulong? Pag isipan mong mabuti.

Ang tama ng shabu ay ang mga sumusunod

 

  • Ang bilis ng pag tibok ng puso at pag hinga
  • Panginginig ng mga kamay at daliri
  • Pag taas ng presyon
  • Pag iinit ng katawan at sobrang pag papawis
  • Pag sakit ng sikmura
  • Paglabo ng paningin
  • Pag sakit ng ulo
  • Pagkahilo
  • Hirap sa pag tulog
  • Kawalan ng ganag kumain
  • Pagiging iritable at mainitin ang ulo
  • Nakakakita ng aparisyon at kung ano anong bagay na kathang isip lamang
  • Pagiging paranoid
  • Pagka baliw
  • Pag papanic
  • Hinsi macontrol na agresyon
  • At pag kakati sa balat.

Ang mga tamang ito ay ang casual na pag gamit lamang ng shabu, sa pagkabaon sa shabu , mas lalong lumalapit sa hukay ang isang naaadik dito. Ang long term  effect naman ng shabu ay ang mga sumusunod

 

  • Maagang pag tanda ng itsura
  • Pagkasira ng ngipin
  • Pag susugat ng balat
  • Mataas na tsansa ng stroke
  • Pag hina ng baga
  • Pag hina ng memorya
  • Hirap sa pag gawa ng desisyon
  • Mas mataas na tsansa mahawa sa mga blood borne diseases.
  • Permanenteng pagkasira ng baga,  atay at kidney .
  • Irregular na pag tibok ng puso na maaaring mag tuloy sa isang heart attack na maaaring ikamatay ng isang adik sa shabu
  • Apathy
  •  At  para sa mga tunay na adik na dito.
  • Kamatayan dahil sa aksidente, overdose, away kalye, barilan  ang mga pangunahing dahilan ng kamatayan dahil sa droga.
  • Kung hindi ka man papatayin ng shabu , malaki ang tsansa na ikaw ay tuluyang mabaliw  dahil dito.

Marami nang pinatay ang shabu, marami nang buhay ang nasira at pamilyang nagka watak-watak dahil sa hindi mapigil na kaadikan sa droga. Isang bagay na nakaka apekto kahit sa mga kapamilya ng taong adik at kahit hindi man sila gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Ang adiksyon sa illegal na droga ay nakaka sira din sa mentalidad ng mga kamag anak ng taong shabu user.

Pero huli na nga ba para sa isang shabu user ang mag bago at itigil ang kaadikan sa ipinag babawal na gamot o may pag asa pa para sa mga taong naligaw ng landas ng dahil sa shabu ?

Para sa mga addict sa illegal na gamot  hangga’t may natitira pang katinuan sa isip mas mabuting magpa konsulta agad upang hindi na umabot pa sa pinaka masaklap na estado ang iyong adiksyon kung saan maaaring hindi lamang kabuhayan, pamilya at mahal sa buhay ang mawala sa iyo kundi pati na rin ang natitirang katinuan sa iyong  isipan.

Isa sa pinaka mahirap na kahaharapin ng isang adik sa shabu ay ang gamutan kung saan dito nya mararamdaman ang malakas na udyok na mag shabung muli lalo na sa paunti-unting pag takas ng shabu sa kanyang sistema dito  pinaka kinakailangan ng isang tao ang suporta ng kanyang rehabilitation center, psychiatrist at pamilya

Kung gaano kadaling pumasok at magpaka lulong sa adiksyon sa shabu ay ilang beses namang mas mahirap ang withdrawal nito. Ngunit ito lamang ang tanging paraan upang maka hulagpos sa pagkakalulong sa adiksyon

Sa oras ng pag hihirap dahil sa shabu  maraming maaaring pwedeng hingan ng tulong ang mga taong pilit na kumakawala sa kanilang adiksyon at sa mga nakulong at na rehabilitate na mga user ng shabu ay ito ang kanilang mensahe sa mga taong nagbabalak na gumamit pa ng ipinag babawal na gamot.

Novo Ecijano ang shabu ay isang uri ng gamot na walang pinipili, walang sini-sino at walang pakundangan sa pag patay at pag sira ng buhay ng tao kaya wag maging biktima, dahil ang buhay ay mahalaga at hiram lamang sa ating lumikha. Bukas paka abanganang mga maiinit na balitang hatid sa inyo ng balitang unang sigaw.

Ito ang lulong sa adiksyon Adik sa Droga


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *