Mga Accomplishment sa taong 2019, iniulat ng PDRRMO, PADAC, PPOC AT PFC

Pinag-usapan sa ginanap na Joint Meeting ang mga aktibidad at mga proyektong naisakatuparan ng Peace and Order Coucil and other Councils sa lalawigan ng Nueva Ecija nitong taong 2019 kasama ang ama ng lalawigan Governor Aurelio Matias Umali.

Kabilang sa tinakay ng Joint Provincial Peace and Order Council and Provincial Anti Illegal Drug Abuse Council ay ang estado ng Barangay Drug Clearing Program.

Sa bilang na 849, na barangay sa lalawigan ay nasa 402 na barangay na ang na cleared dahil sa drug clearing operation ng mga kapulisan at nasa 447 pa ang natitira pang mga barangay ang kinakailangan pang linisin ng mga otoridad.

Pagsasagawa ng search ang seizure sa jail pacilities at awarding ceremony para sa mga bayan na nag negatibo, ilan sa mga naging accomplishment ng Provincial Peace and Order Council

Ang ilan sa mga accomplishment ng Provincial Peace and Order Council ay ang pagsasagawa ng search ang seizure sa jail pacilities at awarding ceremony para sa mga bayan na nag negatibo matapos magsagawa ng Drug Clearing Operation kabilang na ang Laur, Nueva Ecija.

Iniulat naman ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office o PDRRMO sa pangunguna ni PDRRMO, Michael Calma ang kanilang mga naging accomplishment, kabilang dito ay ang kanilang paghahanda sa dumaang bagyong Tisoy, pagsasagawa ng medical and emergency assistance sa NEECO II area 2 at 4th quarter simultaneous earthquake drill, pagtuturo ng Basic 1st aid and Basic life support sa Kabayan Action Group at pag conduct  ng 3 o’clock habit Clearing Activity.

Binigyan naman ng overview ni Governor Aurelio Umali ang pagkakatatag ng Provincial Food Council bilang sagot sa pagbaba ng presyo ng palay para sa mga magsasaka sa lalawigan.

Ang Provincial Food Council ay opisyal na sinimulan noong October 1, 2019 kung saan ay binibili ng pamahalaang panlalawigan ang mga aning palay ng mga magsasaka na may isang ektaryang pababang lupain.

Tinatayang umabot na sa Php200-M ang halaga na nagamit ng pamahalaang panlalawigan sa pagbili ng mga aning palay ng mga magsasaka.

Sa loob ng pitumputlimang araw na pamimili ng palay ng kapitolyo tinatayang umabot na sa 1,1063 ang mga magsasaka ng nabilhan na ng fresh palay na may kabuoang timbang na 4,736,712 kilos. Ulat ni Myrrh Guevarra

https://youtu.be/h6eJxgN9xSE


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *