MGA AHENSYA NG GOBYERNO AT DEPARTAMENTO NG PROV’L GOV’T, PINARANGALAN NI GOV OYIE PARA SA PAGRESPONDE SA KASAGSAGAN NG BAGYONG LANDO

    Malaki ang naging pasasalamat ni Nueva Ecija Gov. Aurellio “Oyie” Umali at ng buong Pamahalaang Panlalawigan sa lahat ng ahensya at departamento ng pamahalaan na tumutok at nagbantay noong kasagsagan ng bagyong Lando.

    Kaya bilang pasasalamat,naghandong ng isang Appreciation Dinner ang punong lalawigan para sa itinuturing niyang mga tunay na bayani na idinaos sa Convention Center sa lungsod ng Palayan.

    Kasabay nito, binigyan ng mga plake ang lahat ng ahensya at provincial department offices bilang tanda ng kanilang mga kabayanihan.

    Sa kabila ng mga ngiti sa kanilang mga labi, iba’t ibang mukha ng karanasan mula sa mga volunteer ang sa kanila’y maririnig ngunit gayunpaman hindi mababakas sa mga ito ang paghihirap at naging sakripisyo sa nagdaang  bagyo na labis na puminsala sa Central Luzon partikular sa Nueva Ecija.

    Kaugnay nito, ibinalik ng mga volunteer ang pasasalamat at pagkilala bilang isang bayani kay Gov. Oyie dahil sa pagiging “hands on” ng gobernador sa panahon ng mga kalamidad gaya ng bagyong Lando.

    Samantala, kabilang sa mga pinasalamantan ni Gov. Oyie ang mga ahensya at department offices sa lalawigan gaya ng mga sumusunod:           

   Volunteers

BUREAU OF FIRE (BFP) – N.E

BUREAU OF FIRE(BFP) – REGION 3

PLAN INTERNATIONAL

PNP-NEPPO

RED CROSS – N.E

PHILIPPINE RED CROSS

PHILIPPINE COAST GUARD

DEPARTMENT OF INTERIOR & LOCAL GOVERNMENT (DILG) – N.E.

PHILIPPINE  ARMY

PHILIPPINE NAVY

SARUF

RPSB III SEARCH & RESCUE TEAM

MMDA

WILDERNESS SEARCH & RESCUE (WISAR) TEAM

PHILIPPINE AIR FORCE

LATTER DAY SAINTS CHARITY

703RD (AGILA) BRIGADE PHILIPPINE ARMY

71D (KAUGNAY) DISASTER RESPONSE COMPANY

71D (KAUGNAY) 2ND COMPANY DISASTER RESPONSE UNIT

3RD INFANTRY BATALLION (71D)

48TH INFANTRY BATALLION (71D)

PDRRMO – N.E

TEAM CABANATUAN

5057

NE-TV48

OCEANA GOLD EMERGENCY RESPONSE TEAM

OCD 161

PILIPINAS 911

DEPARTMENT OF EDUCATION – N.E

VICTOR DEL ROSARIO RICE MILL

RAHA PURE FORCE

PSDWO

PROVINCIAL PUBLIC SAFETY COMPANY (PPSC) – N.E

-Ulat ni MARY JOY PEREZ


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *