Mga aplikanteng hindi nakapag exam noong August 2018 dahil sa habagat, bibigyan ng pagkakataon ng Civil Service

Nagpapadala ang Civil Service Commission Regional Office III ng text message  sa  mga kwalipikadong examinees na hindi nakapag exam noong nakaraang  Agosto 12, 2018 sanhi ng Southwest monsoon o  habagat.

Base sa text message ay bibigyan ng tsansa o pagkakataon ang mga nasabing aplikante na makakuha ng pagsusulit sa civil service sa darating na March 17, 2019.

Wala ng babayaran ang mga nakatanggap ng mensahe.

Pinapayuhan lang sila na sundin ang mga sumusunod na hakbang.

Una,  kinakailangan kumuha  ng  panibagong application form para ma- fill-outan.

Pangalawa, i-update ang hinihinging larawan na passport size.

At pangatlo, dalhin ang resibo na syang magpapatunay na bayad na at iprisenta ito sa kawani na siyang magbibigay ng stub para malaman kung saang paaralan o lugar  dapat kukuha ng exam.

Sa January 16 na ang huling araw ng pag aayos at pagsusumite ng civil service form ng mga examinees na binigyan ng pagkakataong makapag-exam muli.

Samantala, kahapon January 7 ganap na alas-nwebe ng umaga nang magtungo ang Tv48 news team sa Provincial Office ng civil service at napagalaman na itinigil na ng opisina ang pagtanggap ng mga bagong aplikante dahil naabot na umano nito ang kotang apat na libo at dalawang daang bilang ng mga aplikante.

Dalawa lamang sina Abegail Vallejo At Andrew Leaño sa mga novo ecijanong nadatnan namin na nakaabang sa labas ng opisina na nagbabakasakaling makapagsumite ng form.dahil may kani-kanilang pinagkakaabalahan rin sa buhay kaya hindi kaagad sila nakapag ayos ng kanilang papel.

Nanghihinayang naman ang humabol na  magkakaibigan na sina Norlito, Levin at Maverick  dahil hindi nila naabutan ang pasahan ng Civil Service application form. Huli man anila ay susubok pa rin sila sa susunod na Civil Service exam-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *