Mga aspiring basketball player sa Nueva Ecija, pwedeng maging national player sa tulong ng CBE Basketball Training Camp

Sa ikalawang pagkakataon, muling nagsagawa ng 10-Day Basketball Training Camp si CBE o Cabanatuan Basketball Elite coach Derick Evangelista para sa mga aspiring basketball players sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Layunin nito na hubugin ang talento ng mga kabataang sa larangan ng basketball at matulungang maging propesyunal na manlalaro sa hinaharap.

Ayon kay Assistant Coach Julius Delacruz, maraming magulang ang natuwa sa resulta ng naunang training camp kaya naman ngayong bakasyon ay nag-request sila na ulitin ang pagsasanay para sa kanilang mga anak.

Bukod pa rito, maraming oportunidad raw ang binubuksan ng CBE para sa mga aspiring players katulad na lamang ng pagkakataong makapaglaro at maging opisyal na manlalaro ng malalaking unibersidad sa Maynila.

Kabilang rito ang produkto ng CBE training camp na sina Denzel Kurt Deleon na ngayon ay official player na ng Adamson Baby Falcons at Prince Grey na ngayon ay player na ng AU Braves ng Arellano University at NCAA o National Collegiate Athletic Association-Sponsored 15-Under Tournament.

Kwento ni prince, isa raw sa pinakamahalagang parte na natutunan niya sa training sa CBE ang pagtutulungan at pagkakaroon ng tunay na samahan.

Kasama rin sa mga pumasok sa training camp ang Team Nueva Ecija na maglalaro sa nalalapit na Paolo Duterte National Basketball Tournament sa Metro Manila ngayong taon.

Samantala, patuloy pa rin ang registration ng CBE training camp ngayong linggo.

Sa Brgy. Villa Ofelia Cabanatuan City isinasagawa ang training kung saan first session ay ang beginner’s class mula 8am hanggang 11am para sa mga batang may edad walo pababa. Para naman sa 9 to 15 years old ang intermediate class mula 11am to 2pm, habang elite class naman mula 2pm hanggang 5pm para sa mga 16 years old and above.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *