Mga biktima ng Habagat sa Licab, nabiyayaan ng Gift Giving Program ng pamahalaang panlalawigan

Si Gov. Cherry Umali ang nanguna sa pagbibigay ng gift packs sa 11 barangay sa bayan ng Licab

Halos walong libong gift packs ang ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalaim ng Gift Giving Program: Malasakit sa Novo Ecijano sa mga naging biktima ng malawakang pagbaha dulot ng Habagat sa bayan ng Licab.

Ayon kay Former Mayor Willy Domingo, labis ang kanyang kasiyahan dahil sa ipinapadama na tunay na kalinga sa bayan ng Licab na labis nilang ipinagpapasalamat.

Mga residente ng Brgy. Cristobal sa Bayan ng Licab

Matatandaan na dalawang beses na labis na naapektuhan ng Habagat ang Licab kaya naman minarapat nina Governor Cherry Umali at Former Governor Atty. Oyie Umali na unahin sila sa muling pagbabalik ng nasabing programa.

Personal nilang binisita ang naturang bayan upang malaman ang kalagayan ng mga Licabeño.

Mainit namang sinalubong nina Mayor Femy Domingo, buong Sangguniang Bayan at mga kapitan ng barangay ang ina at ama ng lalawigan.

Ang Gift Giving Program ay limang taon nang nagbibigay ng munting regalo sa bawat bayan ng lalawigan na may layunin na maibaba sa mga Novo Ecijano ang tunay na malasakit.- Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *