Mga Cabanatueño, dumagsa sa pamilihan dahil sa bagyong Ompong

Mga Cabanatueño, dumagsa sa mga pamilihan dahil sa bagyong “Ompong”

Dumagsa ang mga Cabanatueno sa mga pampublikong pamilihan mula kaninang alas – 8  ng umaga September 14, 2018 bilang paghahanda sa “Bagyong Ompong.”

Karamihan ay bumili ng mga lulutuin at maiimbak na pagkain, pangunahin na ang bigas, mga delata at iba pang pangangailangan tulad ng kandila at flashlight kung sakaling magkaroon ng brownout.

Hindi naman nagkakalayo ang mga presyo ng gulay at iba pang bilihin sa malaking palengke at sangitan.

Sa parehong pamilihan ay naging mabili ang saluyot 15 pesos ang isang tali, ang talong naman ay 50 pesos kada kilo, at ang ampalaya 60 pesos kada kilo.

https://youtu.be/LnLtyK9ujQ8


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *