Mga Cabanatueño, naniniwalang makatutulong ang SK sa pamamahala sa barangay

   Ikinatuwa ng maraming Cabanatueño ang pagbabalik ng Sangguniang Kabataan dahil naniniwala umano sila na malaki ang maitutulong nito sa pamamahala at mga pagbabagong ninanais nila para sa mga barangay sa Cabanatuan City.

Ang mga kabataang Cabanatueño habang naghihintay sa pila ng voter’s registration sa labas ng Comelec Cabanatuan.
Ang mga kabataang Cabanatueño habang naghihintay sa pila ng voter’s registration sa labas ng Comelec Cabanatuan.

   Sa panayam ng Balitang Unang Sigaw kay Christian Maraya, bente kwatro anyos, sinabi nito na plano niyang kumandidato sa gaganaping SK elections dahil nakukulangan aniya siya sa mga proyekto na inilalaan para sa mga kabataan sa kanilang barangay sa Imelda.

   Matapos ang tatlong taong pahinga ibinalik ang konseho ng mga kabataan sa bisa ng Republic Act 10742 o ang Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015.

   Pinananatili ng nasabing batas ang pagkakaroon ng isang chairman, at pitong miyembro ng SK na dapat ay nasa edad disi otso hanggang bente kwatro sa araw ng halalan.

Sa bisa ng SK Reform Act of 2015 ay ibinalik ang konseho ng kabataan kung saan pinanatili ang 1 chairman at 7 miyembro nito.
Sa bisa ng SK Reform Act of 2015 ay ibinalik ang konseho ng kabataan kung saan
pinanatili ang 1 chairman at 7 miyembro nito.

   Ayon kay Norai  Acud ng barangay Rizdelis, bilang isang magulang ay nakahanda siyang suportahan ang mga kabataang magiging lider ng kanilang barangay upang makatulong na masolusyunan ang problema nila sa pagbaha.

   Inaasahan naman ng ilang mga botanteng kabataan na magiging mabuting ehemplo sa pamamalakad sa gobyerno ang mga maluluklok na opisyales ng SK dahil payag silang magpasakop o magpailalim sa mga ito.- ulat ni Clariza de Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *