Mga CCTV Footage ng itinuturong suspek sa pagpatay kay Fr. Nilo, gagamiting depensa ng pamilya

CCTV Footage mula sa T.A. Dionisio National Highschool

Nagkakaisa ang mga kabarangay ni Adel Roll Milan na itinuturong pangunahing suspek sa pagpatay kay Rev. Fr. Richmond Nilo para matulungan ito sa kasong kinakaharap.

Base sa CCTV Footage na nakuha kay Konsehala Marcela Carillo, Kagawad ng Brgy Malapit, San Isidro, bandang hapon ay napadaan pa ito sa T.A. Dionisio National High School suot ang itim na sando at shorts habang minamaneho ang kanyang motorsiklong Bajaj na kulay pula noong June 10, 2018.

Naniniwala si Konsehala Carillo,na  inosente si Milan sa pagpaslang kay Fr. Nilo. 

CCTV Footage mula sa 7-Eleven sa bayan ng San Isidro

Sa CCTV Footage naman ng 7/ELEVEN sa bayan ng San Isidro, na hindi kalayuan mula sa naturang paaralan, makikita rin ang pagdaan ni Milan na nakasando at shorts pa rin sakay ng kanyang motorsiklo, bandang alas tres syete ng hapon.

Tumugma ito sa sinabi ni Jay, hindi tunay na pangalan,  na suot ni Adel ang kaparehong damit na nakuha sa CCTV ng eskwelahan at convenient store. Habang sa CCTV footage na inilabas ng pulisya ay nakasuot ng puting T-shirts, shorts at puting sombrero ang suspek na sinasabing si Milan.

Ayon pa kay Jay, mula alas singko hanggang alas-otso ng gabi ay magkakasama pa sila ni Adel habang nag-iinuman.

Nagulat aniya siya ng mapanood nito sa television si Milan na sangkot na pala sa krimen.

Samantala, base sa hawak na CCTV Footage ng pulisya, alas 02:30 ng hapon noong June 10 nang mamataan ang mga suspek sakay ang motorsiklo at kotse na nagmamanman sa pupuntahan ng pinaslang na pari.

Bandang 04:50 ng hapon ng mamataan naman ang tatlong lalaki na nakasakay sa motorsiklo.

Alas 05:50 ng hapon ay muling nakita sa CCTV ang pagdaan ng kotse at motorsiklo na sakay pa rin ang tatlong lalaki.

Makalipas ang apat hanggang limang minuto ay bumalik ang motorsiklo na sakay na ang  tinukoy na gunman-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *