Mga Contractual at JO ng pamahalaang panlalawigan, hinihikayat na maging miyembro ng SSS at Pag-ibig

Mas pinalawak pa ng SSS at Pag-ibig ang kanilang programa upang magkaroon din ng mga benepisyo ang mga Contractual at Job Order na kawani ng mga pamahalaan.

Sa isinagawang orientation program ng SSS at Pag-ibig katuwang ang provincial government ng Nueva Ecija ay hinihikayat na maging miyembro na rin nila ang mga hindi regular na empleyado ng kapitolyo bilang self-employed.

Inilatag ng mga kinatawan ng SSS at Pag-ibig ang mga benepisyo at pribelehiyo na maaaring makuha ng mga kawani kapag isa na silang ganap na miyembro nito.

Ayon kay Shiela Miranda, Social Security Officer II ng SSS Cabanatuan branch, ang mga maari nilang ma-enjoy ay ang sickness, maternity, disability, job loss, retirement at death benefits.

Habang sa pahayag naman ni Pag-ibig Cabanatuan Branch Head Dorina Mangunay, ang mataas na tubo o dibidendo sa savings at home loan naman ang maaaring makamit ng mga magiging miyembro nila.

Para sa katulad ni Joshua Matias empleyado ng Provincial Tourism Office, mas maganda na hanggat bata pa ay magsimula nang mag impok upang masiguro na may makukuhang benepisyo sa panahon ng pangangailangan.

Ang buwanang hulog sa SSS ay mula P360 hanggang P2,400. Habang sa Pag-ibig naman ay umaabot mula sa P200 hanggang P2,950.

Ang kontribusyon kada buwan ay otomatikong ibabawas sa buwanang sweldo ng mga kawani na nagpa-miyembro. –Ulat ni Danira Gabriel

Watch – Mga Contractual at JO ng pamahalaang panlalawigan, hinihikayat na maging miyembro ng SSS at Pag-ibig


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *