Mga delinkwenteng negosyante sa Cabanatuan City, winarningan ng SSS

Labing tatlong establishimiento sa Cabanatuan City ang pinuntahan at pinaaalahanan  ng SSS officers  na sumunod sa regulasyon ng SSS sa pagbibigay ng karampatang kontribusyon   at pag re-rehistro sa kanilang mga empleyado maging temporary  man o regular employees.

Ilan dito ay ang Younique Trading Corporation at JK Toys Trading na pawang walang naisa-submit na records ng kanilang mga empleyado sa SSS.

Ayon kay Aracelli dela Cruz Head ng JK trading naging problema nila ang hindi pag re-rehistro ng mga empleyado dahil sa pagiging contractual ng mga ito kaya hindi aniya nai-po-proseso ang kanilang rehistrasyon sa SSS. 

Dinikitan ng Show Cause order ang 13 establishimiento na lumabag sa non-registration, non production of records at non remittance ng SSS contribution.

Sa panayam kay Judy  Frances See Executive V.P. for branch Operation ng SSS mananatili itong naka paskil hangga’t hindi sumusunod sa batas ang establisyimento.

Sa ilalim ng Condonation Program ng Social Security System na sabayang ginawa  sa apat na lokasyon sa buong bansa, bibigyan ng SSS ng  pagkakataon ang mga hindi naka comply na mga negosyo na makapag bigay ng kanilang kontribusyon, makapag pasa ng records  at maipa rehistro ang kanilang mga empleyado sa loob ng 15 araw ng walang  penalty.

Layon ng Condonation Program na maayos ng mga negosyante  ang kontribusyon, records at rehisration ng mga empleyado nito upang hindi na dumating pa sa punto na kailangang mag sampa ng kaso ang SSS dahil sa paglabag sa Republic Act 11199 o the Social Security System Act of 2018 kung saan maaaring makulong ang isang employer na aabot sa 12 taon.

Inabisuhan naman ng SSS ang mga empleyado na maaari silang dumulog sa kanilang tanggapan kung sila ay hindi nabibigyan ng kanilang employer ng karampatang benepisyo mula sa SSS. – Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *