Mga empleyado ng Provincial Capitol, nakiisa sa Ash Wednesday

Eksaktong alas otso trenta ng umaga nagsimula ang misa sa Lobby ng Provincial Capitol sa Palayan City. Sa homily ay sinabi ni Father Angelo Fernando na ang tunay na kahulugan ng Ash Wednesday ang pagbabalik-loob at pagbabagong buhay ng mananampalatayang katoliko.

Kasunod nito ay ang pagpapahid ng abo sa noo ng mga kawani isa na rito si Marissa Javier ng Provincial Budget Office. Para sa kanya ang kahulugan ng pagpapahid ng abo sa noo ay paalala na tayo ay nagmula sa alikabok at babalik rin sa takdang panahon.

Bukod sa penitensiya  at pagsisisi ay hinikayat naman ni Fr. Fernando ang mga kristiyano na mag-ayuno at magsakripisyo bilang paglilinis umano ng espiritu ng tao.

Sikapin rin aniyang dumalo sa mga gawaing simbahan,magdebosyon, at sa iba pang gawaing visita iglesia upang malaman kung  ano ang mga dapat baguhin sa sarili. –Ulat ni GETZ RUFO ALVARAN.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *