Mga Estudyanteng manlalaro ng Taekwondo sa Guimba, kabilang sa magiging pambato ng Pilipinas sa Thailand

Sa bawat lakas ng hiyaw at sipa, katumbas ay determinasyon, inspirasyon at pag-asa na maiuuwi ang gintong medalya para sa karangalan ng bansa.

Sila ay mga elementary students mula sa Sto. Nino Starbright Montessori School na sasabak sa larangan ng Taekwondo, upang maging kinatawan ng Pilipinas sa bansang Thailand.

Ayon sa kanilang coach na si Lucila Pineda , mula sa imbitasyon ng bansang Thailand, isa ang naturang eskwelahan sa tumugon at nagpadala ng mga manlalaro para sa try-outs, kung saan nakapasok ang lima sa kanilang mga estudyante.

Sa panayam naman kay Edwin Jacoba, presidente ng SNSMS, aabot sa labing siyam na manlalaro mula sa iba’t ibang lalawigan ang magiging pambato ng Pilipinas, at pito sa mga ito ay nagmula sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Dagdag nito, ito ang unang pagkakataon na sasabak sa labas ng bansa ang kanilang mga manlalaro kung saan nasa dalawamput dalawang bansa ang kalahok.

Nagbigay din ng pinansyal na suporta ang pamahalaang lokal ng Cuyapo na pinamunuan ni Mayor Esteban at Pamahalang Lokal ng Guimba sa pangunguna nina Mayor Boyong Boyong Dizon at Konsehal Bonbon Dizon.

Sinabi din ni Municipal Information Officer Sherwin Jonathan Guio ng Guimba, laging nakasuporta ang pamahalaang bayan ng Guimba para sa mga manlalaro ng kanilang lugar na sumasabak sa mga palaro sa loob at labas ng lalawigan at ng bansa.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *