Mga grade 4-5 students ng Lazaro Francisco Elementary School, kanya-kanyang pakulo sa kanilang cookfest

Kabilang sa nagrepresenta ang grupo ng mga kabataan na mula sa Grade 4 na sina Darylle Legazpi, Carlos Riseh Cuartero at Kia Liwag na nagpakitang gilas sa pagluluto.

Riseh Cuartero at group nito, napiling lutuin ang Fish nā€™ tomatoes, steamed kamatis at kendimatis sa kanilang ginanap na cookfest

Isa sa mga napili nitong ihanda ay ang Fish nā€™ tomatoes, Steamed kamatis, Kendimatis at moringa tea.

Ayon sa grade 4 student na si Riseh, napili nila itong lutuin dahil bukod sa mura na ay masustansya pa.

Ibat-ibang potahe, inihanda ng mga estudyante ng grade 4-5 students

Bukod dito madami pang ibat-ibang putahe ang iniluto ng bawat grupo na may kasamang kamatis.

Kabilang ang Soup potatoes, sarsyadong isda, bread tomato, kinamatisang pork spare ribs, ginisang kamatis at madami pang iba.

Ito ay taunang isinasagawa tuwing sasapit ang buwan ng Hulyo upang ipagdiwang ang buwan ng nutrisyon.

Layunin nito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang bawat isa lalo na ang mga kabataan na matutong kumain ng ibat-ibang gulay upang habang bata ay maging malusog ang hindi maging sakitin. -ulat ni Myrrh Guevarra


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *