Mga halal na lokal na opisyal ng Nueva Ecija, sumalang sa interview ng Young Campus Jounalists

Sumalang ang mga halal na lokal na opisyal ng Nueva Ecija sa magkakaibang panayam ng mga Young Campus Journalists para sa kauna-unahang Journalists’ Congress na ginanap noong August 1-2, 2019.

Sa unang araw ay itinuro sa isang libo isang daan at limampung mag-aaral ng high school at anim na raan at animnapung estudyante ng elementarya ang newswriting at feature writing.

1st Journalists’ Congress dinaluhan ng mahigit isang libo at walong daang Young Campus Journalists

Habang sa ikalawang araw ay isa-isa ng i-prinisinta ang mga news video interview na kasama ang mga lokal na politiko.

Mula sa gobernador, bise gobernador, board members at mga opisyal ng Local Government Units (LGU’s) ay malugod na nagpaunlak ng interview sa mga kabataang mamahayag.

Ayon kay English and Journalism Education Supervisor Carmencita Gatmaitan ng DEPED-NE, layunin ng aktibidad na maging socially aware ang mga kabataan sa mga nangyayari sa kanilang kapaligiran at sa labas ng paaralan.

Sa pahayag ng mga Campus Journalist, ang aktibidad ay isang napakagandang oportunidad upang lalong malinang ang kanilang kakahayan pagdating sa pamamahayag.

Samantala, puspusan na rin ang ginagawang pag-eensayo ng Aliaga Bright Minds Academy ang over-all champion sa Scriptwriting and Radio Broadcasting (English) sa nakaraang 2019 National Schools Press Conference.

Para sa DEPED, mahalaga na sa murang edad pa lamang ay nahahasa na ang kakayanan ng mga bata sa responsableng pamamahayag. –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *