Mga ipinapakalat na larawan ng Sports Complex sa Palayan City, black propaganda

“Black propaganda.” Yan ang reaksyon ni Provincial Administrator Alejandro Abesamis sa larawan ng Sports Complex ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa Palayan City na ipinost sa isang Facebook Page.

Sa panayam ng Balitang Unang Sigaw kay PA Abesamis, inihayag nito na halata namang namumulitika ang mga taong nasa likod ng Ang Bagong Nueva Ecija na nag-post ng pictures ng maruming swimming pool at may caption na wala pa rin itong ipinagbago simula nang maitampok sa isang programa sa telebisyon.

June 2019 pa ipinalabas ang Reporter’s Notebook samantalang November 2019 ay ginamit pa sa Provincial Athletic Meet 2019 ang Sports Complex patunay ang mga larawan kung saan makikitang nagi-enjoy ang mga estudyanteng lumalangoy sa pool.

Paliwanag ni Abesamis, walang drainage ang swimming pool ng Sports Complex na ipinagawa ng dating adminstrasyon kaya mano-mano itong nililinis at ginagamitan ng pump ng mga tauhan ng Maintenance Services para matanggal ang tubig.

Kaya obvious aniya na kumuha talaga ng pagkakataon ang mga taong nasa likod ng nasabing Facebook Page na marumi ang swimming pool pagkatapos itong gamitin at saka ito kinunan ng mga litrato para kumalat at makasira sa pamahalaang panlalawigan particular kay Governor Aurelio Umali.

Sa kabila nito ay naniniwala naman si PA Abesamis na mapanuri ang mamamayang Novo Ecijano kaya hindi sila basta maniniwala sa mga black propaganda ng mga kalaban ng gobernador sa pulitika.- Ulat ni Clariza de Guzman

https://youtu.be/VLbBDJvqQB0


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *