Mga kantang sumikat noong 90’S, Muling binalikan

Muling nagsasama-sama ang pinkamahuhusay  na labing limang local bands sa lalawigan ng Nueva Ecija upang awitin ang mga kantang tumatak noong 90’s na dinaluhan mahigit kumulang tatlong daang manunuod  sa Aura Club sa Cabanatuan City.

Sa opening pa lang ng event nagpasiklab na sa kanilang performance ang bandang Albidaya kung saan tinugtog nila ang hit song na awake ng American Rock Band na Godsmack.

Habang nagpakitang gilas din sa rakrakan ang Eyescream na matatandaang itinanghal na  Northern and Central Luzon Champion sa Global Battle of the Bands noong 2005.

Kabilang din sa mga nagperform ay ang Sim, Reaveal, Greenleech, Phase 5, Patrinus, Oluaris, 7th Skul, Malicmata, Temple of Messiah, Two Zero Seven, We, Karding Sungkit, Machine at Unang Sigaw kung saan itinampok nila  ang mga popular rock and metal songs ng mga bandang Korn, Nirvana, Incubus at marami pang iba.

Ani Dwayne Alcantara na mula pa sa San Leonardo, Nueva Ecija nagenjoy siya sa panunuod at naengganyo  na pumunta sa nasabing event dahil minsan lamang aniya na magkasama samang tumugtog  ang mga magagaling na  banda sa buong Nueva Ecija.

Todo suporta naman si Marlon Parumog sa kanyang anak na si Dean Alvin na gitarista ng Phase 5.

Ayon kay Lui Sin, na bokalista ng bandang  Malicmata at organizer nasabing programa, Back to the 90s covers night ang napili niyang tema upang itampok magagandang awitin ng mga banda na sumikat noong nakaraang dalawang dekada.

Dagdag pa niya, layunin din nito na maipakita ang talento ng mga lokal na bandista na patuloy na gumagawa ng musika anu man ang tema o komposisyon at magbigyan ng oportunidad na magkaroon ng regular na pagtatanghal.

Nagbigay rin ng kanilang mensahe sina Angelo at Raymond na  mga gitarista ng Malicmata para mga kabataan na nais sumali o bumuo ng sarili nilang  banda. -Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *