Mga karapatan ng motorista sa checkpoint, ipinaalam sa kapulisan

Ipinaalam ng Nueva Ecija Police Provincial Office sa mga miyembro ng kapulisan ang mga karapatan ng mga motorista para sa isinasagawang checkpoint kaugnay ng gaganaping halalan sa May 13, 2019.

Bago sinimulan noong Linggo, January 13, 2019 alas dose ng hating gabi ang pagtatalaga ng Commission on Elections Checkpoint ay naglunsad ng Human Rights Forum ang Nueva Ecija Police Provincial Office kung saan inisa-isa ni Police Chief Inspector Rico Cayabyab ang mga tamang paglalagay at mga dapat gawin ng kapulisan sa checkpoint.

Una, maaring magdagdag ng checkpoint depende na lamang sa pakikipagusap sa COMELEC Officer.

Ikalawa, dapat may nakalagay sa sign board na schedule kung kailan magsisimula ang checkpoint ng mga pulis.

Ikatlo, kailangang nakapuwesto ito sa mga lugar na may sapat na ilaw upang agad silang makita ng publiko.

Ika – apat, dapat na may malaking karatula na nakasulat ang “COMELEC Checkpoint”, at malinaw na mababasa ang pangalan at numero ng election officer at station commander na in – charge sa naturang checkpoint.

Ika – lima, kailangang naka uniporme ang mga pulis na nagbabantay sa bawat checkpoint.

Paliwanag ni Police Chief Inspector Rico Cayabyab, visual search lang ng sasakyan ang pwedeng gawin ng mga pulis sa mga checkpoint.

Hindi aniya kailangang buksan ang sasakyan maging ang compartment nito, bawal ding palabasin ng sasakyan at kapkapan ng pulis ang driver o pasahero.

Wala rin umanong karapatan ang kapulisan na manghingi ng lisensya o motor vehicle registration sa mga COMELEC Checkpoint pwera na lamang kung mayroong nilabag na batas ang driver.
Ngunit, kung may nakikitang kahina – hinala ang mga pulis ay pwede umanong pababain ang driver at buksan ang sasakyan kahit walang ipakitang search of warrant.

Gayunman, kapag may nadiskubreng kontrabando ang pulis ay physical inspection lang ang pwede nitong gawin.

Sinumang mahulihan ng mga armas, pampasabog, at ilegal na droga sa mga checkpoint ay isasailalim sa imbestigasyon at posibleng maaresto.

Sinumang mahulihan ng mga armas, pampasabog, at ilegal na droga sa mga checkpoint ay isasailalim sa imbestigasyon at posibleng maaresto.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *