Mga kasamahang mamamahayag, ginunita ang masasayang ala-alang iniwan ni Lui Brown

Sa gabi ng eulogy ni Lui Brown  ay nagtipon ang kanyang mga kapamilya, kaibigan  at nakasama sa trabaho kung saan ginunita  ang kanyang naging buhay. 

Isa-isang inalala ng kanyang mga naging  kaibigan sa industriya ng pamamahayag ang kanilang naging karanasan kasama si Lui Brown.

Nag-alay ng awitin ng pamamaalam para kay Lui Brown ang kanyang mga nakasama sa DWNE.

Masayahin, mabait at malambing ganito inalala ng mga kasamahang mamamahayag  si Lui Brown sa kanyang eulogy.

Pumanaw si Josiema Bondad na mas kilala bilang Lui Brown noong September 21, 2019 dahil sa kumplikasyon ng  sakit na leukemia,  sya ay apatnapu’t tatlong gulang.

Sa loob ng 22 taon ay narinig ang boses ni Lui Brown sa radyo  na nagbibigay ng love advice sa kanyang mga listeners. January 16, 1997 nagsimulang  pumailanglang sa ere si Lui  sa  Donna 88.7.

Naging radio announcer  rin sa  DWUP-89.7, host sa Harana Live ng  NHGL Radio  92.9  at naging parte ng DWNE Teleradyo sa mga programang Heart To Heart  at Easy Lang sa UMFM. – Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *