Mga katangi-tanging guro, kinilala sa kauna-unahang Convergence of Outstanding Educators

Kinilala ang mga katangi-tanging guro sa ginanap na kauna-unahang Convergence of Outstanding, Youthful and Intelligent Educators of Nueva Ecija.

Dumalo ang humigit kumulang sa 4,000 na mga guro sa buong lalawigan sa nasabing event na ginanap sa Convention Center, Palayan City kahapon,October 10, 2018.

Ayon sa Chief ng Teaching and Learning Division ng Department of Education – Central Office, ang unang convergence na ito ay isang magandang halimbawa na sinimulan ng DepEd – Nueva Ecija na sana aniya ay sundan ng iba pang mga DepEd Division sa buong bansa.

Layon ng programang ito na kilalanin ang mga naging tagumpay at kontribusyon ng mga guro sa paghahatid ng de-kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral.

Naging panauhing tagapagsalita naman sa programa ang Ina ng Lalawigan, Governor Czarina Domingo Umali na kinikilala ang mga guro bilang katuwang sa pagtataguyod ng mas maunlad na pamayanan.

Pagkatapos ng mensahe ng gobernadora ay inanunsyo nito ang ibinigay niyang karagdagang P100,000 para sa raffle draw ng mga guro sa naturang selebrasyon bukod pa ang nauna nang P200,000 financial assistance na ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ikinatuwa naman ng mga guro at inilawaran ito bilang isang one of a kind event ang ginawang pagkilala sa kanila ng DepEd – Nueva Ecija.

Nag-iwan naman ng mensahe si Chief of Curriculum Implementation Division Jayne Garcia sa mga kapwa niya titser na kahit mahirap ang buhay guro ay ipagpatuloy lang nila ang kanilang pagbabahagi ng kaalaman sa mga kabataan. – Ulat ni Jessa Dizon


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *