Mga katutubo sa lalawigan,tinuruan ng paghahanda kung sakaling magkaroon ng sakuna

Sa pagdiriwang ng World’s Indigenous Peoples Dayna may temang:  “In One. In Unity. With Indigeneous Peoples Worldwide in Preserving Indigenous Languages & Identity “ay tinuruan ang mga katutubo sa lalawigan kung pano ang paghahanda kung sakaling magkaroon ng malaking sakuna na ginanap sa Doña Josefa, Palayan City.

Ayon kay Dr. Donato Bumacas, Provincial Officer ng National Commission on Indigenous Peoples- Nueva Ecija Provincial Office,  ang pagtuturo sa mga katutubo patungkol sa disaster risk ay pagbibigay kaalaman sa siyensya at paghahanda kung sakaling magkaroon ng sakuna kagaya ng lindol bukod pa sa kanilang tradisyunal na kaalaman.

Ang Agosto Nuwebe  naman aniya ay dinisenyo para sa selebrasyon ng mga katutubo sa buong mundo na naglalayong mapangalagaan at  bigyang pansin ang mga pangangailangan ng mga katutubo dahil kadalasan aniya ang mga  ito ay hindi naabot,  kinikilala at madalas ay nasa laylayan lamang.

Ibinahagi rin nito sa amin na ang kadalasang kinakaharap na suliranin ng mga katutubo sa buong mundo ay ang Tenurial security, Diskriminasyon, Basic services o kakulangan sa edukasyon at pangkalusugan.

Pagkakaisa at respeto naman sa mga katutubo ayon kay mang Carlito ‘Carling’ Baclay’ IPMR o Indigeneous People Mandatory Representative sa lalawigan, ang dapat ibinigay sa mga angkan at kalahi niyang katutubo.

Hiling rin nito sa mga kapwa niya katutubo na sama sama nilang pangalagaan at  ipreserba ang kanilang tradisyon, kaugalian at maging ang kanilang katutubong dayalekto.

Pagkatapos sanayin ang mga katutubo sa disaster risk preparedness ay namigay naman ng mga payong , tsinelas at mga bags sa mga IP Students ang NEUST CIPE o Center For Indigeneous People’s Education.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *