Mga kawani ng kapitolyo, may P10,000 bonus ngayong pasko

Mas magiging matamis ang selebrasyon ng mga kawani ng kapitolyo ngayong pasko dahil inaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ang P20 milyon na Service Recognition Incentives (SRI) kaugnay ng Administrative Order (AO) No. 19 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay pinagtibay sa Ika-dalawampu’t limang Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan base sa kahilingan ni Governor Aurelio Umali.

Ayon kay Vice Governor Anthony Umali, ang pondo ay nagmula sa savings ng Pamahalaang Panlalawigan.

Sa ilalim ng AO 19, ang mga civilian at military personnel ang makatatanggap ng hindi hihigit sa P10,000.

Ito ay nakabase sa mga sumusunod na kondisyon, ang regular o contractual na empleyado ay dapat nanatiling nasa serbisyo mula November 20, 2019 at mayroong nang kabuuang apat na buwang pagtatrabaho mula November 30, 2019.

Payo ng Bise Gobernador, gamitin sa tama at makabuluhang bagay ang makukuhang bonus.

Ang SRI ay inaasahan na makukuha simula sa December 20 at sa mga susunod na araw. –Ulat ni Danira Gabriel

Watch – Mga kawani ng kapitolyo, may P10,000 bonus ngayong pasko

https://youtu.be/8TCObmPtIsw


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *