MGA KAWANI NG MUNISIPYO SA PANTABANGAN, UMAAPELA SA BSP

Umaapela sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang mahigit kumulang tatlong daang mga kawani ng pamahalaang lokal ng bayan ng Pantabangan na tulungan silang kumbinsihin ang PNB o Philippine National Bank na magkaroon na silang muli ng access sa pagwi-withdraw ng general funds ng munisipyo para makuha na ang mahigit tatlong buwan nilang sweldo.

Ayon sa private secretary ni Mayor Uera na si Gerardo Sator, mula May 1, 2015 pa hindi sila nakakakuha ng buwanang sweldo dahilan kung bakit marami sa kanila ay nahihirapan at namomroblema na sa pang araw-araw na pangangailangan dahil sa kakapusan sa pinansyal.

 Nagsimulang magkaroon ng suliranin ang mga kawani kasunod ng pagkakasuspinde ni Mayor Uera noong ika-13 ng Marso ng taong kasalukuyan at pansamantalang naupo bilang alkalde si Vice Mayor Ruben Huerta.

Mula noon ay tila naguluhan na ang PNB lalo pa nga at nagbigay ng manifesto si Vice Mayor Huerta na nagpapahayag na hindi nito kinikilala sina Ms. Jennifer Barcelo bilang Municipal Accountant at Mrs. Elvira Rosales bilang Municipal Treasurer.

 Nanawagan ang mga kawaning hindi pa nakakasweldo sa pamunuan ng PNB at DILG partikular kay dating DILG Sec. Mar Roxas na suriin o pag-aralang mabuti ang kaso nina Mayor Uera at Vice Mayor Huerta at ikonsidera ang desisyon ng CA kung saan nagsasabing si Mayor Uera na muli ang alkalde ng Pantabangan.

 Samantala dagdag pa ni Sator na di gaya ng PNB, normal at patuloy ang transaksyon nila sa iba pang mga bangko gaya ng Land Bank of the Philippines, Producer’s Bank at Development Bank of the Philippines.Ulat ni MARY JOY PEREZ


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *