Mga kawani ng PGNE, bumirit

12 kalahok ng Birit PGNE 2015, sa kanilang Production number.
12 kalahok ng Birit PGNE 2015, sa kanilang Production number.

Birit kung birit ang ipinamalas ng labing dalawang kawani ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija sa ginanap na Birit PGNE 2015, bilang bahagi ng ikalawang taon na pagdiriwang ng employees day.

Todo suporta ang bawat departamento sa kanilang mga pambato.

Sa huli, nakamit ni Smile Supetran III ng TV48 ang ikatlong pwesto, nasungkit naman ng Bongabon District Hospital Kimberly Ann Miciano ang ikalawang pwesto at ang nag-uwi ng kampyonato ay si Glomarie Lising ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office.

Ayon kay Laura Dator, Organizer ng programa, siniguro ng ama ng lalawigan Governor Aurelio Matias Umali na walang uuwing luhaan sa ibinigay nilang consolation prize at dagdag papremyo sa bawat kalahok.

Dagdag pa ni Dator, layunin ng pagtitipon, na mabigyan ng pagkakataon ang mga talentadong kawani ng kapitolyo sa larangan ng pag awit at mapaghusay pa ang serbisyo para sa mga pinaglilikurang Novo Ecijano.-Ulat ni Danira Gabriel

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *