Mga koponang aabante sa quarter finals ng NECSL, alamin

Matinding bakbakan ang ipinamalas ng mga manlalaro sa basketball at volleyball noong nakaraang linggo sa pagtatapos ng elimination round ng Nueva Ecija Collegiate Sports League Season 8.

Pinatunayan ng defending champion Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) women’s volleyball ang kanilang bagsik upang makuha ang top spot na may 6 na panalo.

Pumangalawa ang karibal nilang koponan Wesleyan University Philippines (WUP) Riders na may 5 panalo at 1 talo na nakamit sa NEUST Phoenix.

Kasama rin na aabante sa quarter finals ang Central Luzon State University (CLSU) Green Cobras (4-2) College of Research and Technology (CRT) Blue Fox (3-3) at College of Immaculate Concepcion (CIC) Kings (2-4).

Sa men’s volleyball, pasok sa top 6 ang mga koponan ng Central Luzon State University (CLSU) Green Cobras (4-0), Wesleyan University Philippines (WUP) Riders (3-1), Manuel V. Gallego Foundation College Ambassadors (2-2) sa Bracket A, Nueva Ecija University Science and Technology (NEUST) Phoenix (4-0), College of Research and Technology (CRT) Blue Fox (3-1), at Midway Vikings (2-2).

Bukas ng umaga, October 24, 2019 ay maghaharap-harap ang mga pumasok na koponan sa quarter finals na gaganapin sa Midway Gymnasium.

Samantala, nagsimula na ngayong araw ang laban ng Top 6 na koponan na umabante sa men’s basketball.

Sa team standing sa Bracket A, nanguna ang Midway College Vikings na may 4 na panalo at walang nakamit na talo.

Sinundan ng defending champion Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) Phoenix 3 wins- 1 loss.

Ang unang talo ng Phoenix ay natamo sa Vikings noong Biyernes, October 18, 57-55.

Pangatlo ang Manuel V. Gallego Foundation College na may tig-2 panalo at talo.

Sa Bracket B, pasok sa next level ng palaro ang College of Immaculate Concepcion (CIC) Kings (2-1) na tinalo ng Core Gateway College Incorporated (CGCI) Green Eagles, Wesleyan University Philippines (WUP) Riders (2-1) na nakuha sa CIC Kings at Our Lady of Sacred Heart College (OLSCHO) Aces (1-2).

Una ng sumalang ang OLSCHO Aces kontra CIC Kings bago ang muling salpukan ng NEUST Phoenix konta MVGFC Ambassadors ganap na alas-9:30 ng umaga at ang unang pagtutunggali ng WUP Riders kontra Midway Vikings ganap na alas-11 ng umaga sa Pag-asa Gymnasium, San Jose City. – Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *