MGA KOPONANG MAY TSANSANG MAKAPASOK SA QUARTER FINAL ROUND, MALAPIT NG KILALANIN

Sa tindi ng sagupaan ng 21 kalahok sa kompetisyon, marami ang nag-aabang kung sinu-sinong mga koponan ang mapapabilang sa Quarter Final Round.

Walong koponan ang aabante sa QFR at apat sa mga ito ang makikipagbakbakan para sa darating na Semi Final Round.

1Nasa unang pwesto pa rin sa South District ang Bayan ng San Leonardo na may pito ng panalo at sinusundan ng Bayan ng San Isidro na may 6 na panalo. Sila’y kapwa wala pang natatanggap na pagkatalo.

Mahigpitan namang pinag-aagawan ng Bayan Bongabon, Lungsod ng Cabanatuan, Lungsod ng Gapan at Bayan ng Sta. Rosa ang ikatlo at ikaapat na pwesto.

Samantala, sa darating na Sabado August 1, magkakaalaman na kung sino ang pinakamalakas na koponan pagdating sa North District.

2

Maghaharap ang Team Muñoz at Team Guimba na parehong may 8 panalo na nangunguna sa kanilang dibisyon.

Nasa ikatlong pwesto ang Team Rizal na mayroon ng 6 na panalo at 2 talo mula sa dalawang koponan na nabanggit.

Samantala, hindi pa rin masiguro kung sino sa Team San Jose at Team Talavera ang makakakuha ng ikaapat na pwesto. Sa ngayon mayroon ng 5 panalo at 4 na talo ang San Jose at 4 na panalo at 4 na talo ang Team Talavera. –Ulat ni Shane Tolentino

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *