Mga kumandidato sa BSKE 2018, pinagpapasa ng SOCE hanggang June 13

Panalo man o talo ay dapat namagsumite sa Comelec o Commission on Elections ang mga kumandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan ng kanilang SOCE o Statement of Contribution and Expenses kung saan nakadeklara ang kanilang mga nagastos para sa pangangampanya.

Ayon kay Provincial Elections Supervisor Atty. Panfilo Doctor Jr., mayroong tatlumpung araw matapos ang eleksyon o hanggang June 13 ang mga kumandidato para magpasa sa kanila ng SOCE.

Dagdag pa nito, kung dalawang beses ng tumakbo ang isang kandidato at hindi pa rin ito nagpasa ng SOCE, maaari itong maging dahilan ng diskwalipikasyon.

Pahayag pa ni Doctor, may karampatang multa ang mga hindi susunod ditto na nagkakahalaga ng P10,000 para sa kapitan at P5,000 naman sa mga kagawad, gayundin sa SK.               

Samantala, ayon sa Republic Act No. 9006 o Fair Election Act, Section 5, ang isang kandidato ay maari lamang gumastos ng P5.00 kada botante para sa pangangampanya. –Ulat ni Irish Pangilinan

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *