MGA LAND OWNER NA MAAAPEKTUHAN SA PROYEKTONG CLLEx, PINULONG NINA GOV. OYIE AT MAYOR NERIVI

1Isang pagpupulong ang isinagawa sa bayan ng Talavera na pinangunahan nina Nueva Ecija Gov. Oyie Umali at Talavera Mayor Nerivi Santos kasama ang ilang mga land owners na siyang maaapektuhan ng ipagagawang (CLLEx) Central Luzon Link Expressway na magdurugtong sa mga kalsada ng (SCTEx ) Subic-Clark-Tarlac Expressway at (NLEx) North Luzon Expressway.

Isa-isang pinakinggan ni Gov. Umali ang saloobin at pagsang-ayon ng mga land owners

3sa nasabing alternatibong ruta na ipagagawa sa tulong ng JICA o Japan International Cooperation Agency para sa Agro-Industrial Development ng mga probinsiya sa North at Central Luzon.

Paliwanag ng gobernador, kasabay ng kahalagahan ng pagpapagawa ng mga nasabing proyekto ang malaking posibilidad ng pag-angat o pagkakaroon ng mas magandang progreso sa lalawigan partikular sa bayan ng Talavera.

2Dagdag pa ni Gov. Oyie, magsisilbi umano itong daan upang maitulak ng lokal na pamahalaan ng Talavera ang mas maunlad at mataas na antas ng pamumuhay sa pamamagitan ng mabilis na transportasyon ng mga biyahero partikular ng mga negosyanteng Talaveranos lalo pa nga at ito ang nagsisilbing pangunahing nagdadala ng malaking bilang ng mga produktong agrikultura sa probinsya.

Pangako pa ng ama ng lalawigan na mismong ang kapitolyo ang mangunguna sa pagdala sa bayan ng Talavera patungo sa mas magandang bukas bagay na ikinatuwa at ipinagpasalamat ni Mayor Nerivi Santos.- Ulat ni Mary Joy Perez


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *