Mga Lokal na Opisyal sa Nueva Ecija, nanumpa ng katapatan sa Partido Unang Sigaw ng Pagbabago

Si Former Gov. Aurelio Umali ang nagtatag at kasalukuyang pangulo ng Partido Unang Sigaw ng Pagbabago.
Si Former Gov. Aurelio Umali ang nagtatag at kasalukuyang pangulo ng Partido Unang Sigaw ng Pagbabago.

   Nanumpa ng katapatan sa Partido Unang Sigaw ng Pagbabago na pinangasiwaan ni Former Governor Aurelio Matias Umali ang mga lokal na opisyal ng Nueva Ecija kabilang si Governor Czarina Umali, 19 na Mayor, 14 na Vice Mayor, mahigit kumulang 100 konsehal mula sa iba’t ibang bayan at lungsod, 8 Board Members, at 6 na Presidente ng Association of Barangay Captains sa ginanap na Mass Oath Taking Ceremony sa Sierra Madre Suites, Palayan City.

   Ayon kay Umali, ang panunumpa ng katapan ng mga lokal na opisyal sa Unang Sigaw ay patunay na matibay ang partido at unang hakbang sa pakikiisa ng lalawigan sa federalismo, ang bagong sistema ng pamamahala sa gobyerno ng Pilipinas na isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte.

   Si Governor Czarina Umali kasama ang kanyang kabiyak Former Governor Aurelio Umali at Mayor Ferdinand Abesamis.
Si Governor Czarina Umali kasama ang kanyang kabiyak Former Governor Aurelio Umali at Mayor Ferdinand Abesamis.

   Ang Unang Sigaw ay lokal na partido sa Nueva Ecija na itinatag sa pamumuno ng dating gobernador noong January 25, 2008. Hinalaw ang pangalan nito mula sa rebolusyunaryong kilusan ng mga Novo Ecijano na nagpabagsak sa pananakop ng mga Kastila sa lalawigan noong taong 1896.  Katulad rin ng kasaysayan ng pagkakaluklok ni Umali bilang Punong Panlalawigan noong 2007 nang kanyang wakasan ang halos kalahating siglong paghahari ng angkan ng mga Joson sa Nueva Ecija.

   Matapos ang seremonya ng panunumpa sa partido, nagsagawa ng Executive session ang mga Chairman ng Unang Sigaw mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng lalawigan kung saan napagkasunduan ang bagong hanay ng pamunuan nito.

   Humirang ng mga bagong hanay ng pamunuan ang Partido Unang Sigaw sa isinagawang executive session sa pamumuno ni Former Gov. Umali.
Humirang ng mga bagong hanay ng pamunuan ang Partido Unang Sigaw sa isinagawang executive session sa pamumuno ni Former Gov. Umali.

   Nahirang sa posisyon bilang Pangulo ng Unang Sigaw Party si Former Governor  Umali, tumaas naman sa pwesto bilang Executive Vice President si Mayor Ferdinand “Blue Boy” Abesamis ng bayan ng Peñaranda na dating Secretary General, pumalit dito si Mayor Lovella Belmonte-Espiritu ng Zaragoza, Treasurer si Mayor Librado Santos ng General  Natividad.

   Habang naluklok naman bilang mga Executive Vice President  ang mga sumusunod na alkalde: District 1, Mayor Nerivi Santos-Martinez; District 2 si Mayor Nestor Alvarez ng Science City of Muñoz; District 3, Mayor Ricardo Padilla ng Bongabon; at sa District 4 ay si Mayor Emerson Pascual ng Gapan City.- Ulat ni Clariza de Guzman

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *