Mga lolo at Lola, lumahok sa 3rd Nueva Ecija Badminton Open Badminton Tournament 2019

Binigyang pagkakataon ang mga Lola at Lolo na makapaglaro ngayong taon sa third Nueva Ecija Open Badminton Tournament 2019 na pinangunahan ni Governor Aurelio “Oyie” Umali at Vice Governor Doc. Anthony Umali .

Idinagdag ngayong taon ng Provincial Government ang kategorya para sa mga senior player sa larong badminton na ginanap sa Syqiuo Badminton Court, Bitas, Cabanatuan City.

Bukod sa mga lolo at lola na may edad sisenta pataas ay lumahok din sa palaro ang mga nasa bente anyos pataas na mga empleyado ng kapitolyo, mga manlalaro mula sa mga eskwelahan at clubs sa lalawigan.

Ayon kay Galosky Limos Coordinator ng Nueva Ecija Open Badminton Tournament 2019, layunin nito na maiiwas ang mga kabataan sa masasamang bisyo at mapainam ang kanilang kinabukasan.

Naglulunsad aniya ng tournament upang magkaroon ng motibasyon at mabigyang pagkakataon na maipakita ang husay at galing ng mga Novo Ecijanong Atleta.

Samantala, mula sa mahigit 400 na kalahok sa ginanap na kompetisyon ay nagwagi ang singkwentang manlalaro buhat sa ibat – ibang kategorya ng larong Badminton.Ulat ni Joice Vigilia/ Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *