Mga lolo at lola, nagkasiyasahan sa FSCAP Region 3 X-mas Party

800 senior citizens mula sa Central Luzon ang nagtipun-tipon sax mas party ng FSCAP Region 3 na ginanap sa convention center, Palayan City
800 senior citizens mula sa Central Luzon ang nagtipun-tipon sax mas party ng FSCAP Region 3 na ginanap sa convention center, Palayan City

     Nagkasiyahan ang daan-daang lolo at lola sa Christmas party ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines Region 3 na ginanap sa Convention Center sa Palayan City sa pangunguna ni retired Judge Ricardo Agapito.

     Nagpamalas ng talento sa pagsayaw at pag-awit ang mga grupo ng nakatatanda na nagmula sa iba’t ibang lungsod at lalawigan sa Gitnang Luzon.

     Nagsilbing hurado sa paligsahan ang Team Save Cabanatuan sa pamumuno ni dating 3rd District Board Member Doc Anthony Umali.

Sina FSCAP Region 3 Pres. Judge Ricardo Agapito (ret.) at Senior Citizen Partylist Pres. Francisco Datol Jr.
Sina FSCAP Region 3 Pres. Judge Ricardo Agapito (ret.) at Senior Citizen Partylist Pres. Francisco Datol Jr.

     Sa mensahe ni Doc Anthony nagpasalamat siya sa mga sakripisyo ng mga lolo at lola, hinikayat din niya ang mga nanunungkulan sa pamahalaan na maging tapat at unahing paglingkuran ang mga senior citizens sa pamamagitan ng paggalang sa kanilang mga karapatan at pagbibigay sa kanila ng mga benepisyong kinakailangan.

     Ayon sa Presidente ng Senior Citizen Partylist na si G. Francisco Datol Jr., umaabot sa 9.2 million ang bilang ng mga nakatatandang mamamayan sa bansa kung saan 6.6 million dito ang rehistradong botante.

     Ngunit sa kabila aniya ng dami ng mga senior citizens dito sa Pilipinas ay kulang sila ng kinatawan sa kongreso kung kaya nagkukulang din sa mga batas na naipapasa para sa kanila.

     Maging ang 1% na pondo ng mga nakatatanda sa National Government at sa barangay ay hindi rin umano napapakinabangan.

     Kaya ini-engganyo ni Datol na magkaisa ang lahat ng mga senior citizens na pumili at magluklok ng kanilang representante upang maipagkaloob ng gobyerno ang mga serbisyo para sa kanilang kalusugan, kabuhayan, at kasiyahan.- ulat ni Clariza de Guzman   


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *