Mga luma, may sulat at maduming salapi, maaring ipalit sa BSP

Ipinagbibigay alam ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang mga perang papel o barya na nasira o sadyang sinira, may punit, madumi  at may sulat ay maaring dalhin sa kanilang tanggapan upang mapalitan ng bago.

Ayon kay Rodora Theresa Opeñiano, Bank Officer II ng Bangko Sentral ng Pilipinas Cabanatuan Branch, layunin ng BSP Clean Note and Coin Policy na maprotektahan ang integridad ng mga philippine currency at mas maganda na ang mga umiikot sa publiko ay malilinis at magagandang perang papel at barya.

Ipinaliwanag rin ni Opeñiano kung ano ang mga maaring ipalit at hindi na maipapalit na pera sa kanilang opisina.

Mga salaping nasira o dumumi sa taguan, maaari pang pakinabangan
at ipapalit sa tanggapan ng BSP

Mayroong tatlong klase ng pera ang nahahawakan ng mga tao, ani Opeñiano ito ay ang tinatawag na Fit o malinis na pera, walang dumi, sira o anumang sulat.

Pangalawa ay ang Unfit note  o pera na nagbago ang physical appearance, nagkaroon ng manstya pero maayos parin ang sukat at kumpleto parin ang features.

At ang pangatlo ay ang Mutilated, ito ay ang mga nasira na sa taguan, napunit, kinain ng daga o anay, may sulat, nasunog at halos tanggal na ang kalahating bahagi.

Ganun din sa mga lumang barya, kung ito ay nabutasan o sadyang binutasan at naiba na ang hugis ay tuluyan na itong mawawalan ng halaga at hindi narin ito maaaring ipalit.

Tatlong requirements for redemption, ipinagbigay alam sa
publiko ng Bangko Sentral ng Pilipinas

Tatlong requirments ang ipinaliwanag ni Opeñiano para sa mga magpapapalit ng pera, una rito ay kinakailangan na may natirang 60% ng papel, ikalawa ay hindi nawala o nabura ang dalawang signature o pirma ng presidente ng pilipinas at pirma ng gobernador ng bangko sentral at ang pangatlo ay hindi dapat  mawala ang blackline sa gitnang bahagi dahil mawawalan na ito ng value o halaga.

Sa mga nais magpapalit ay maari kayong magtungo sa alimang branch ng BSP na pinakamalapit sa inyong lugar. ulat ni Myrrh Guevarra


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *