Mga mag-aaral ng CRT, nagpasiklaban sa Palarong CRT 2018

Nagpasiklaban, pagalingan at pa-astigan ang mga kalahok na mag aaral ng College for Research and Technology  sa Dance Competition sa unang araw ng pagbubukas ng CRT Palaro 2018 kahapon Oktubre 3, 2018 na ginanap sa Zulueta Gym, Kapitan Pepe, Cabanatuan City bilang bahagi ng kanilang ika-30th Founding Anniversary.

Ito ay nilahukan ng apat na grupo ang  Blue Panther, Red Stallion, Yellow Conda at Green Falcons na naglaban laban sa iba’t ibang kategorya mula sa  Mass Demo, Folk dance, Dance Sport at Team Dance.

Ang pagbubukas ng palaro ay pinangunahan ni  Dr. Reynato C. Arimbuyutan, Presidente ng CRT sa pamamagitan ng kanyang mensahe sa mga mag aaral. Sinabi nito na ang mga ganitong aktibidad sa paaralan ay  nagbubukas ng daan para maipakita ang angking  galing at mga talento ng kanilang mga mag aaral.

‘Very proud’ aniya ito sa tuwing makikita na ang mga kabataan ay nakikilahok at nakikiisa bukod sa pagpapamalas ng kani-kanilang talento at galing sa larangan ng dancing at sports.

Sumunod ang Lighting of Torch ng kanilang Most Valuable Player  na si Renz Marion Talavera, at Oath of Sportsmanship na binigkas ni Ronald Matthew Santos, ang Team Captain ng CRT Blue Fox sa harap ng kanyang kapwa mag aaral.

Ayon naman kay Mikee Mobo, Chairman ng  CRT Palaro 2018, mahalagang ma-expose ang mga kabataan sa mga ganitong aktibidad dahil ito aniya ang paraan upang mas malinang ang kakayahan ng paghubog sa mga estudyante.

Layunin aniya nito na magsilbing modelo para sa mga kapwa estudyante upang mas pagsumikapan pa ang kanilang pag-aaral.

Ibinahagi naman ni Ferdinand Gabon ang dobleng-saya na naramdaman bilang first timer na nakasaksi at nakalahok sa naturang aktibidad, nakakapagod man ngunit sulit naman aniya lahat ng kanilang pinagpaguran.

Nagpabot naman ng mensahe ang Associate in Computer Technology,  Red Stallion Basketball Players sa mga kapwa mag aaral at mga katunggali sa darating na NECSL bilang sila ang magrerepresenta ng kanilang paaralan.

Samantala bukod sa Cabanatuan ay kasabay din nilang nagdiriwang ng kanilang anibersaryo ang  CRT Gapan, CRT Guimba at CRT San Jose  at ito’y magtatapos hanggang Sabado October 6, 2018.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *