Mga makabagong serbisyo ng PJG Hospital, inihahanda na para sa taong 2020

Nagkaroon ng pagpupulong ang Chairperson kasama ang mga Heads ng Department of surgery ng PJG Hospital sa Cabanatuan City kahapon December 18, 2019.

Tinalakay dito  ang mga bagong serbisyo at mga issues at concerns upang higit na maisaayos ang serbisyong medikal na isasagawa para sa mga pasyente.

Ang mga makabagong serbisyo na kanilang napag-usapan dito ay inaasahang maisasakatuparan sa darating na 2020.

Mga makabagong serbisyo ng PJG Hospital, asahan sa darating na 2020

Kabilang dito ay ang pagkakaroon ng Trauma Center, Plastic and Burn Center, Kidney Transplant Center, Orthopedic Center at Brain Center.

Layunin nito na maging madali para sa mga pasyente na pumunta sa mas malapit na ospital at hindi na dumayo pa sa malayong pagamutan at gumastos ng malaki.

Ipinaliwanag naman ni Dra. Alma Norberte mula sa Internal Medicine Department at Transplant Coordinator ang paglalayong maipalaganap ang kaalaman tungkol sa Organ Donation.

Ayon pa kay Dra. Norberte, ito ay makakatulong sa maraming pasyente na nagda-dialysis, dahil sa halip na sumailalim sila sa Dialysis ay mas maganda na dumaan sila sa Kidney Transplanting.                                                                                        

Inaasahan na maisasakatuparan na matapos ang proyekto ng bagong pasilidad na nakalaan para sa mga makabagong serbisyo ng PJG Hospital sa taong 2020.

6th Floor na taas ng proyekto ng bagong pasilidad sa PJG hospital, inaasahang matatapos sa darating na 2020.

Ang nasabing pasilidad na kasalakuyang tinatapos ay may taas na  6th Floor. Ulat ni Myrrh Guevarra


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *