Mga mang-aawit na kawani ng kapitolyo, sinala sa elimination round ng Birit PGNE

Sinala ng mabuti ng mga hurado ang mga kalahok sa elimination round ng Birit PGNE kung saan nahirapan ang mga ito sa pagpili dahil sa magandang pagpapamalas ng mga talento sa pag-awit ng mga kalahok.
Sinala ng mabuti ng mga hurado ang mga kalahok sa elimination round ng Birit PGNE kung saan nahirapan ang mga ito sa pagpili dahil sa magandang pagpapamalas ng mga talento sa pag-awit ng mga kalahok.

Mula sa labing syam na bilang ng mga kalahok, labing dalawa ang mapalad na nakapasok, na magpapatuloy sa pagpapamalas ng galing sa pag-awit sa pangalawang taon ng Birit PGNE, bilang pagdiriwang ng Civil Service Month.

Layon nitong magbigay ng oportunidad para sa mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan, na maipamalas ang kanilang angking talento sa larangan ng pag-awit.

Ayon sa isang hurado na si Provincial Assessor Florante Fajardo, nahirapan silang salain ang mga kalahok, sapagkat pawang magagaling ang mga ito, ngunit sa huli ay ang mga pinakamagagaling pa rin ang pumasok sa elimination round.

Mensahe ni Provincial Assessor Fajardo sa mga kalahok na ipakita ang kanilang pinakamahusay na pagtatanghal sa araw ng patimpalak, na magbibigay ng inspirasyon sa kapwa empleyadong may itinatagong magagandang tinig.

Mula sa 19 na kalahok, pumasok ang labing dalawang mga biritero at biritera na magpapatuloy sa finals sa darating na ika 25 ng Setyembre para sa Birit PGNE.
Mula sa 19 na kalahok, pumasok ang labing dalawang mga biritero at biritera na magpapatuloy sa finals sa darating na ika 25 ng Setyembre para sa Birit PGNE.

Maliban sa magandang kalidad ng boses, ay inaabangan din umano ng mga hurado ang stage presence ng mga kalahok, tamang tiyempo sa pagsabay sa tugtugin at pagbigkas ng malinaw sa mga lyrics ng kanta.

Matutunghayan ang biritan at patagisan ng galing sa pag-awit ng 12 contestants sa darating na ika 25 ng Setyembre, na gaganapin sa Nueva Ecija Convention Center, Palayan City.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *