Mga may-ari at empleyado ng 50 tindahan na nasunog sa Bayan ng Guimba, pinagkalooban ng tulong ng Pamahalaang Panlalawigan

1
3rd District Congw. Cherry D. Umali habang iniaabot ang tulong pinansyal sa mga biktima ng sunog sa Pampublikong Pamailihan ng Guimba

Aabot sa mahigit dalawang daang tindera o helper at may-ari ng mga tindahang nasunog sa Palengke ng Guimba ang nabigyan ng cheke na naglalakip ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Aurelio Matias Umali.

Personal na ini-abot ng ina ng Lalawigan 3rd District Congresswoman Cherry Umali bilang kinatawan ng Gobernador ang tulong pinansyal para sa mga biktima.

2
Mga biktima ng sunog sa palengke ng Guimba kasama si 3rd District Congw. Cherry D. Umali at ang mga lingkod bayan ng Guimba

Ayon kay Congresswoman Cherry, ang tulong na ito ay nagpapakita ng kanilang pagmamahal at pagmamalasakit para sa mga Novo Ecijanong nangangailangan, bilang pagbibigay ng pag-asa sa kanila na anumang pagsubok ang dumating ay dapat na patuloy na lumaban sa buhay.

Sa kabila ng insidenteng nangyari ay nakapagbigay naman ng pag-asang makabangon muli ang tulong pinansyal ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga biktima ng sunog.

Malaking bagay raw ang tulong na ito upang sila’y makapagsimulang muli at makabangon mula sa hindi inaasahang insidente.

Nangako naman si Guimba Mayor Boyito Dizon sa mga nasunugan, na hindi matatapos ang kanyang termino sa darating na 2016 na hindi naipatatayo o naipagagawang muli ang Palengke ng naturang Bayan.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *