Mga naglalakihang tsinelas sa Lungsod ng Gapan, bumida sa pagdiriwang ng ika 14TH Cityhood Anniversary

Tsinelas Festival
Dambuhalang tsinelas na may sukat na 7 talampakan, gawa sa karaniwang materyales sa paggawa ng mga normal size na tsinelas.
Isa sa maraming dambuhalang tsinelas na ipinarada sa ika 14th Cityhood Anniversary ng Lungsod ng Gapan
Isa sa maraming dambuhalang tsinelas na ipinarada sa ika 14th Cityhood Anniversary ng Lungsod ng Gapan
Dumalo sa imbitasyon ni Mayora Marice Natividad si Manila Vice Mayor Isko Moreno sa Pagdiriwang ng ika-14th Cityhood Anniversary ng Lungsod ng Gapan
Dumalo sa imbitasyon ni Mayora Marice Natividad si Manila Vice Mayor Isko Moreno sa Pagdiriwang ng ika-14th Cityhood Anniversary ng Lungsod ng Gapan

Hindi napigilan ng malakas na pag-ulan ang pagparada ng mahigit dalawampung higanteng tsinelas na aabot ang sukat sa pitong talampakan sa pagdiriwang ng ika labing apat na taon ng pagiging Lungsod ng Gapan.

Ito ay kompetisyon sa pagitan ng mga magtsitsinelas ng naturang Lungsod na naglalayong mapa-unlad ang industriya ng tsinelas sa Lalawigan.

Nakisaya sa nasabing selebrasyon si ABS-CBN Actor Paulo Avelino kung saan nagkagulo ang mga tao
Nakisaya sa nasabing selebrasyon si ABS-CBN Actor Paulo Avelino kung saan nagkagulo ang mga tao

Gawa sa goma at ilang materyales na karaniwang ginagamit sa paggawa ng mga tsinelas at sandalyas ang mga naglalakihang tsinelas na ibinida sakay ng mga float.

Ang mga mananalo sa pagandahan ng mga naglalakihang tsinelas o sandalyas ay nakatakdang i-anunsyo sa Lunes, Agosto 31, 2015, sa flag raising Ceremony ng Munisipyo ng naturang lugar. Ulat ni Shane Tolentino

https://www.youtube.com/watch?v=EqC7eglFunQ


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *