Mga natatanging manganganyon, pinarangalan sa 12th Anniversary ng Army Artillery Regiment

Dalawa lamang sina Kernel Hubert Acierto at Captain Holly John Godinez sa mahigit dalawampung manganganyon na naparangalan bilang natatanging mga sundalo sa kanilang hanay, sa pagdiriwang ng kanilang ika-labing dalawang anibersaryo, na ginanap kahapon June 18, 2019 sa Fort Ramon Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija.

Si Kernel Acierto ay tatlong taon na naging Battalion Commander, Chief ng Governance Study of Management office at ngayon ay Chief of Staff ng Army Artillery Regiment.

Sinabi ni Acierto na ang selebrasyon na ito ay pagkikita ng mga Artilyero upang ipagdiwang ang kanilang mga napagtagumpayan  sa bansa.

Habang masaya naman si Capt. Godinez  dahil isa siya sa nabigyan ng parangal at nakuha nya ang pangatlo sa pinakamataas na award sa Armed Forces of the Philippines.

Ang anibersaryo o paggawad sa mga natatanging sundalo ay patuloy na nagpapakita ng kanilang  kahusayan, katatagan at kagalingan.

Ang mga Artilyero o manganganyon ay tunay na maipinagmamalaki dahil kaagapay ng

bansa sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran. Joice Vigilia/ Getz Rufo Alvaran


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *