MGA NATATANGING MANGANGANYON, PINARANGALAN SA 8TH FOUNDING ANNIVERSARY NG ARMY ARTILLERY REGIMENT

Binigyang pagpupugay ang mga collective o sama-sama at indibidwal na kontribusyon ng mga natatanging manganganyon ng AAR, na nagsilbing pinaka-highlights ng pagdiriwang ng kanilang anibersaryo na may temang Hari ng Larangan: Maaasahan mula noon hanggang ngayon.

Kabilang sa mga pinarangalan ay si Captain Joan T. Pacudan, na nakatanggap ng Military Merit Medal with Bronze Spearhead Device, dahil sa kanyang naging kontribusyon bilang battery commander sa 6th Infantry Division’s all-out offensive laban sa BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Pikit, North Cotabato.

Tinapos ni Captain Pacudan ang kanyang maternity leave noong nakaraang taon, dalawang buwan matapos niyang isilang ang kanyang pangalawang baby nang ideklara ang all-out offensive laban sa BIFF.

Pormal namang nanumpa sa tungkulin ang AAR MCAB o Multi-Sector Advisory Board, kasunod ng pagkakabit sa kanila ng ATR Stakeholder Pin, na pinangasiwaan ni AFP Major General Rodolfo Demosthenes Santillan, Vice Commander ng Philippine Army, na panauhing pandangal ng naturang pagdiriwang.

Nagpahayag naman ng pagkilala at paghanga si Maj. Gen. Santillan sa katapangan at dedikasyon na ipinamalas ng mga manganganyon sa pagsasakatuparan ng mga iniatang na tungkulin sa kanila.

Ayon pa kay Maj. Gen. Santillan, tunay na simbolo ng tapang at galing ang Philippine Army dahil sa karangalang ibinibigay ng mga ito para sa bayan.- Ulat ni Shane Tolentino

[youtube=http://youtu.be/YkOz5oTdtCE]


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *