Mga natutunan ng mga baguhang trainee ng His Art Gallery, ipinamalas

Nagpakita ng kanya kanyang talento sa pagsayaw, pagkanta at pag-rampa ang mga baguhang kabataan sa ginanap na Part 3 Recital ng His Art Gallery sa SM Megacenter, na dinaluhan ng higit dalawang daang katao.

Kabilang sina Charles Andrew Cruz at Bea S. Abustan na estudyante ng His Art Gallery na nagbahagi ng kanilang mga natutunan.

Sa panayam kay Catherine Commandante Sangil, Founder at Presidente ng His Art Gallery, sinabi nitong ensayo at pagdidisiplina ang kanilang ginagawa sa paghahanda.

Dagdag pa nito, mahirap matutunan ang isang partikular na bagay kung hindi ito paglalaanan ng pagmamahal .

Achievement aniyang maituturing kapag ang isang bata ay nahiyakat na tumuntong sa entablado dahil hindi lahat ay kaya itong gawin.

Mensahe nito, na balewala ang mga ginagawa natin kung wala ang Panginoon sa ating buhay at bilang pasasalamat ay ibinabalik aniya ang lahat ng papuri at pasasalamat sa Panginoon.

Ang summer class ng His Art Gallery ay inaaabot ng dalawang buwan tuwing Abril hanggang Mayo.

Nagkakahalaga ng tatlong libo ang ensayo na na-unlimited session na. Bukod dito ay nagbibigay din ng Scholarship ang His Art Gallery sa piling mga bata.

Layunin nito na hubugin ang talento ng mga kabataan, maging produktibo at magkaroon ng lakas ng loob upang masanay sa harap ng maraming tao.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *