Mga netizens , hati ang opinyon sa viral video ng dalagitang sinasaniban umano ng pinatay na kapatid

Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang video ni Abigail Magtalas, 15 taon gulang , na pinaniniwalaang sinasaniban ng namatay nitong kapatid na si Marvin Magtalas ng Barangay Matias, Talavera, Nueva Ecija.


Umabot na sa 77, 000 likes, 127, 000 shares at 5.9 M views ang video na inupload ni Danica Mogniling Magtalas noong July 14 sa ganap na alas syete, syete ng gabi.

Ayon sa mga comments, karamihan sa mga netizens ay awa ang nadarama at humihiling ng hustisya sa sinapit ni Marvin Magtalas.
Sa viral na video makikita na umiiyak si Abigail, paulit ulit na sinasambit nito na gusto pa niyang mabuhay, hindi man lang aniya siya binigyan ng pagkakataong mabuhay, hindi umano naawa sa kanya ang mga dumakip, binanggit pa nito ang pagpapahirap sa kanya habang pinagtatawanan. Nabanggit din sa viral video ang kanyang tiyahin na si Angeline Capala na dinadawit sa pagkamatay ni Marvin at kaibigan nitong si JP Raca Martinez alyas “Daga”na na hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakita.

Nagtungo ang Tv48 crew sa bahay mismo ng pamilya Magtalas, noong July 17 araw ng Martes upang makapanayam ang pamilya patungkol sa viral video.

Habang iniinterview ang dalagita ay bigla na lamang itong nag-iiiyak, habang paulit ulit na sinasabi na hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong mabuhay.

Ayon sa ina ng biktima, March 16, 2018 ng hating gabi ng dinukot umano ng mga naka-bonet na grupo ng kalalakihan ang kanyang anak habang kumakain sa isang gotohan. Bandang alas kwatro ng madaling araw, nabalitaan na lang aniya nila na may patay na sa Barangay Esguerra.

Giit pa ng ina ni Marvin ay hindi aniya gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang kanyang anak. Taliwas sa spot report ng Talavera Police Station.

Base sa imbestigasyon at sa aming panayam sa telepono kay PSupt Joe Neil Rojo,Hepe ng Talavera Police Station, isinalaysay nito na nanlaban sa buybust operation si Marvin “Dikong” Capala Magtalas na ikinamatay nito.

Dagdag pa ni Rojo, narekober sa crime scene ang isang 3.8 na kalibre ng baril, limang basyo ng bala,3 plastic sachet ng shabu, at isang cube ng marijuana.

Kinumpirma din ni Rojo na dati ng may mga record si Magtalas sa kanilang nasasakupan.

May mensahe naman si Rojo sa mga social media viewers na maging mapagmatyag at suriin ng maayos ang bidyo tanging mga espiritista at duktor ang makakapagsabi kung talagang sinapian.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *