MGA OPTICAL EQUIPMENT NA IPINAGKALOOB NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, NATANGGAP NA NG SAN ANTONIO DISTRICT HOSPITAL; MGA MAHIHIRAP NA MAMAMAYANG MAY PROBLEMA SA MATA, MATUTULUNGAN NA

     Dumating na nitong nakaraang Martes ang mga karagdagang optical equipment na ipinagkaloob ni Governor Oyie Umali sa San Antonio District Hospital bilang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa Community Eye Health Program.

     Kabilang sa mga kagamitang ito na ipinadala sa ospital ay ang opthalmic surgical microscope, operation table with operation lights at phaco machine.

     Sa kasalukuyan ay nagagamit na ang first batch ng mga equipment na ipinadala sa ospital noong nakaraang linggo tulad ng a-scan biometer, indirect ophthalmoscope, trial lenses, auto refractometer at slit lamp.

     Tinatayang umabot sa mahigit kumulang 6.7 million pesos ang kabuuang halaga ng mga naturang optical equipment.

MAGAGAMIT NA NG SAN ANTONIO DISRICT HOSPITAL ANG MGA OPTICAL EQUIPMENT NA IPINADALA NG PROVINCIAL GOVERNMENT SA KANILA.
MAGAGAMIT NA NG SAN ANTONIO DISRICT HOSPITAL ANG MGA OPTICAL EQUIPMENT NA IPINADALA NG PROVINCIAL GOVERNMENT SA KANILA.

     Ayon kay Dra. Adora Hernal-Cruz, Chief of San Antonio District Hospital, dahil sa mga bagong kagamitan ay magkakaroon na ng sariling  Ophthalmology Equiped-Operating Room ang kanilang ospital.

      Dagdag pa ni Dra. Cruz, dahil din sa mga bagong equipment ay matutulungan na ng ospital ang mga mahihirap na mamamayan ng lalawigan na may problema sa mata at walang kakayahang magpagamot o magpaopera sa mga pribadong ospital.

DAHIL SA MGA EQUIPMENT NA IPINAGKALOOB NI GOV. OYIE UMALI SA SAN ANTONIO DISTRICT HOSPITAL, MARAMING MAHIHIRAP NA MAY PROBLEMA SA MATA ANG NAKAKAPAGPAGAMOT NANG LIBRE.
DAHIL SA MGA EQUIPMENT NA IPINAGKALOOB NI GOV. OYIE UMALI SA SAN ANTONIO DISTRICT HOSPITAL, MARAMING MAHIHIRAP NA MAY PROBLEMA SA MATA ANG NAKAKAPAGPAGAMOT NANG LIBRE.

      Isa sa mga pasyente si lola Pacita Navarro. Ayon sa kanya, nang mabalitaang walang bayad ang operasyon sa mata sa San Antonio District Hospital ay dumayo pa siya rito mula sa bayan ng Talavera.

Kaya naman labis ang pasasalamat ng mga pasyente ng ospital gaya ni Lola Pacita, sa libreng serbisyo at sa tulong ni Governor Oyie Umali. – ULAT NI JANINE REYES.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *