Mga panukalang proyekto ng DENR sa Gabaldon, inilahad

   Inilahad ni Nueva Ecija Provincial Environment and Natural Resources Officer Leovino Ignacio ang mga panukalang proyekto ng kanilang tanggapan sa bayan ng Gabaldon sa ginanap na Sierra Madre Summit.

   Sa presentasyon ni PENRO Leovino Ignacio, pangunahing idedevelop ang 8, 215 hectares na lupain ng Mt. Mingan upang maitaguyod ito bilang Eco-tourism site.

   Ang Mt. Mingan ay bahagi ng Sierra Madre Mountain Ranges na nasasakupan ng siyam na mga barangay sa Gabaldon, at mga bayan ng Dingalan, at San Luis sa lalawigan ng Aurora.

Mt. Mingan photo credits to Haribon Foundation.
Mt. Mingan photo credits to Haribon Foundation.

   Kamakailan lang, itinatag ito bilang Critical Habitat ng Haring Ibon at iba pang mga nanganganib na hayop na naninirahan dito. Layunin nitong maprotektahan at mapangalagaan ang natitirang likas na yaman ng kabundukan.

   Kasama rin sa plano ng DENR ang pagbibigay ng livelihood project sa barangay Pantoc, na ipinatutupad sa ilalim ng Community-Based Forest Management ng CARP.

   Prayoridad rin ang Gabaldon sa limang bayan ng Nueva Ecija na paglulunsaran sa pagpapatuloy ng National Greening Program.- ulat ni Clariza de Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *