Mga paraan upang makaiwas sa COVID-19, inilahad ng mga eksperto

Nagbigay ng ilang mga panagunahing paraan ang mga eksperto para sa mga dapat gawin ng mga nagtatrabaho, lumalabas ng bahay para mamalengke at mga taong nasa unang linya na humaharap sa pandemya o mga frontliners kung paano makakaiwas sa COVID-19.

Bukod sa mga protocols na ibinigay ng Inter Agency Task Force (IATF) na pagsusuot ng face mask, faceshield, pagdistansya sa tao at pananatili sa bahay ay nagpaalala rin ang Department of Health kung paano masisiguro na hindi kakalat ang mikrobyo o virus sa loob ng bahay.

Isa sa mga inirerekomenda ng kagawaran ng kalusugan ay ang paghuhugas ng mga gamit na dala mula sa labas at kaagad na paglalaba sa mga damit na ginamit ng buong araw.

Bukod pa rito ay nagpaalala rin ang DOH na gumamit lamang ng mga sertipikadong detergent o sabon na mabisang pang-alis ng mikrobyo sa mga damit.

Isa naman sa mga inirerekomenda at ine-endorso ng Philippine Society for Microbiology Incorporated ang Ariel detergent na nakapag-aalis ng 99.9 % ng virus at mikrobyo sa damit o mga cotton na una nang nasubok sa influenza virus.

Una rin itong nakilala at nasubukan sa merkado ng United Kingdon noong taong 1967 na kauna-unahang detergent na nakapagtatanggal ng mantsa sa damit.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *