MGA PAROL NA GAWA SA KAPIS, DINARAYO SA BAYAN NG SAN LEONARDO

   Dinarayo na ang Iba’t-ibang disensyo at makukulay na parol na gawa sa kapis sa bayan ng San Leonardo.

   Papalapit na nga ng papalapit ang araw ng kapaskuhan, marami nang Novo Ecijano ang hindi pahuhuli sa pagbili ng mga makukulay na parol.

   Dinarayo ngayon sa bayan ng San Leonardo ang mga makabagong disensyo ng mga parol na gawa sa kapis na akmang-akmang pang-dekorasyon sa inyong bahay.

Makukulay na Lantern dinarayo na ngayon sa bayan ng San Leonardo dahil sa papalapit na kapaskuhan.
Makukulay na Lantern dinarayo na ngayon sa bayan ng San Leonardo dahil sa papalapit na kapaskuhan.

   Ang Kapis ay isang uri ng shell o kabibe na ginagamit sa paggawa ng parol na palamuti  sa tahanan.

   Ayon kay tatay Eduardo Bicos, na naabutan naming namimili sa Dharwin’s Lantern, mas masaya ang isang pamilya kung may mga nakasabit na palamuti kagaya na lamang ng parol, upang lubos na maramdaman ang Christmas spirit sa kanilang tahanan

   Abot-kaya sa bulsa ang  mga naggagandahang Lantern para sa mga mamimili,  kagaya na lamang ng Kapis tala, ang pinakamaliit nito ay nagkakahalaga ng 1,300 pesos, ang katamtamang laki naman ay 1,800 pesos at ang pinakamalaki ay nagkakahalaga ng 3,500 pesos.

   Ang pinakamaliit naman na Reindeer na disenyo ay nagkakahalaga ng 1,500 pesos, habang ang katamtamang laki ay 2,800 pesos at ang pinakamalaki ay mabibili sa presyong 3,500 pesos.

   Pero, kung hanap niyo naman ay simpleng dekorasyon lamang na swak na swak sa inyong bulsa ang Oval fiber na nagkakahalaga ng 1,200 pesos Kapis lotus ay 900 pesos at Fiber balls naman ay 1,300 pesos

   Ang Cherry blossom naman ay nagkakahalaga ng 5,000 pesos, ang Snowman na nasa 1,500 pesos, ang Rose naman ay nagkakahalaga ng 600 kada limang piraso, at ang Star tala na nasa 2,500 pesos.

Iba’t-ibang uri ng Dekorasyon na maaaring magpilian, mabibili sa bayan ng San Leonardo.
Iba’t-ibang uri ng Dekorasyon na maaaring magpilian, mabibili sa bayan ng San Leonardo.

   Sa loob ng buong maghapon, ay umaabot sa limang Lantern ang natatapos ng mga trabahador kada araw.

   Ayon kay Amy Mendoza, na mahigit 10 taon ng nagtitinda ng lantern, pagpasok pa lamang ng Setyembre ay nagbubukas na sila para sa mga mamimili.

   Mas mabenta umano ang mga paninda nila  noong nakaraang taon kaysa ngayon na papalapit na ang kapaskuhan.
-Ulat ni Majoy Villaflor


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *