Mga pribado at pampublikong organisasyon, nakiisa sa Purple Caravan ng CLMA!

Higit isang libong pribado at pampublikong organisasyon ang nakilahok sa Purple Caravan na inorganisa  at itinampok ng Central Luzon Media Association (CLMA) na ginanap sa Freedom Park noong nakaraang linggo, bilang pagpapahalaga sa mga Kababaihan partikular sa Nueva Ecija.

Ayon kay Mel Ciriaco, Pangulo ng Central Luzon Media Association sa Region 3 at sa buong Nueva Ecija, taun-taon nilang isinasagawa ang Purple Caravan na ngayon ay umabot na sa  pangatlong taon.

Aniya, napatunayan nila na sa ikatlong pagkakataon ay maraming mga kababayan na ang  tumatangkilik, nagpapahalaga at nagmamahal sa mga kababaihan dahil sa suportang ibinibalik ng mamayan sa pamamagitan ng pakikilahok sa  ganitong  pagdiriwang.

Dagdag pa nito, sila pa lamang ang pa lamang ang naitatalang nagsasagawa ng ganitong okasyon. Natutuwa aniya sila at lalo pang naging inspirado na ipagpapatuloy ang kanilang nasimulan.

Nagpaabot pa ng mensahe si Ciriaco na  nagkakaroon sila ng motibasyon na kumilos  lalo na kapag binibigyang halaga din aniya ang kanilang mga isinasakatuparan. Taos puso aniya ang  pasasalamat ng mga mamamahayag sa mga sumuporta at tumangkilik . Nangako din ito na tutupdin ang  tungkulin   bilang mamamahayag sa abot ng makakaya para sa bayan. 

Ayon naman kay Joy Galvez Dominado, Presidente ng Soroptimist Metro Cabanatuan, sila’y ay nakiisa sa purple caravan dahil aniya sa marubdob na suporta nila sa pagpapahalaga sa mga kababaihan.

Dagdag pa niya, ang layunin ng soroptimist ay upang ipaalam sa mga kababaihan na may boses ang mga ito at maiangat ang kalagayan ng mga kababaihan sa lipunan.

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *