Mga proyektong pang-imprastraktura para sa taong 2020, prayoridad ni Governor Umali

Ibinahagi ni Engr. Dennis Agtay ng Provincial Planning and Development Office noong September 16 sa Joint Meeting ng Local Special Bodies and Other Councils na pinangunahan ni Governor Aurelio Umali ang ilan sa mga proyekto na kabilang sa AIP o Annual Investment Plan para sa taong 2020.

Infrastructure Projects na kasama sa Annual Investment Plan 2020

Ang may pinakamalaking pondo na nagkakahalaga ng 694 million pesos ay ilalaan sa 8.40 Kilometer Road Opening/Upgrading/Concreting of 200 Linear Meter RCDG o Reinforced Concrete Deck Girder Bridge sa kahabaan ng Calipahan, Talavera hanggang sa Baloc, Sto. Domingo.

Para naman sa Road Opening/Widening/Upgrading/Concreting of Roads with 38 Linear Meter RCDG Bridge along Cabiao, Nueva Ecija to Concepcion, Tarlac na may habang 8.9 kilometers ay magtatakda ng P572-M.

Paliwanang ni Engr. Agtay, ang proyektong ito ay tutugon din sa Peñaranda-Gapan-San Isidro-Cabiao Bypass Road na pag-uukulan sa AIP 2020 ng P160-M para sa Phase 2 ng proyekto at may haba itong 3.10 kilometers.

Habang P426-M naman ang ilalaan sa 7.68 Kilometer Road Opening/Widening/Upgrading/Concreting of Roads with 300 Linear Meter RCDG Bridge na babagtas sa Pambuan, Gapan City – Mambangan, San Leonardo.

Kabilang din sa mga naaprubahang proyekto ay ang P211-M na gagamitin sa pagpapasemento ng Nagmisahan, Cuyapo – Cabawangan, Nampicuan Road na may habang 7.20 kilometers at ang P163-M budget para sa Improvement/Rehabilitation/Concreting of Nampicuan Recuerdo – Sta.Clara Road na nasa ikalawang bahagi na rin ng konstruksyon.

Nilinaw ni Engr. Agtay na marami pang ibang mga panukala ang nakapaloob sa AIP 2020 at ang mga nabanggit ay ang ilan sa mga proyekto na prayoridad masimulan sa susunod na taon. Ulat ni Jessa Dizon


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *