Mga pulis na dawit sa Red October, bubusisiin ng PNP

Ipinag-utos kahapon ni PNP chief Director General Oscar Albayalde  na bubusisiin ang mga pulis na sinasabing dawit sa Red October,  isang pagkilos para patalsikin sa pwesto si Pangulong Digong.

Ito’y matapos na lumutang ang ulat na may ilang pulis ang tumatanggap ng protection money buhat sa Chinese national, na nagmamay-ari sa ni-raid na farm ng National Bureau of Investigation (NBI) kung saan nasamsam dito ang mga matataas na kalibre ng armas at mga pampasabog na sinasabing gagamitin para sa pagkilos sa Red October.

SOURCE: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2018/09/28/1855367/mga-pulis-na-dawit-sa-red-october-bubusisiin-ng-pnp


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *